Gov. ER hindi sineryoso ang iskandalo sa Star Awards
May nagpadala sa PM (Pang-Masa) ng official statement ni Laguna Gov. Jeorge “ER†Estregan na pinagbibintangan na may kinalaman siya sa alleged vote-buying na nangyari sa 30th Star Awards for Movies.
Gumawa si Papa ER ng statement para iabsuwelto ang kanyang sarili. May nagsabi sa akin na wala raw alam si Papa ER sa ginawa ni Jobert Sucaldito na buong ningning na umamin na nangutang siya ng datung para ibayad sa voting members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil sa kagustuhan niya na mag-win ng best actor trophy ang kanyang bet.
Eh natalo si Papa ER dahil iba ang idineklara na winner. Alangan naman na bawiin ni Jobert ang datung na ibinayad niya. Hindi nga umamin ang PMPC na may naganap na vote buying ’di ba?
So, bago pa lumayo ang aking topic, heto ang kopya ng official statement ni Papa ER na hindi naman sineseryoso ang Star Awards scandal dahil busy siya sa pag-aasikaso sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Sta. Cruz, Laguna sa May 2014. Hindi na kailaÂngan ni Papa ER ng another best actor award dahil kotang-quota na siya.
“Being the former president of the Actors Guild of the Philippines, it is my commitment to the Filipino movie industry and also to my godfather, Fernando Poe, Jr., to film one quality movie a year - it is my promise to give jobs/ employment to displaced Filipino film actors, artists and creative & technical people in the industry.
“Me and my team feel greatly honored that our three films: Manila Kingpin, El Presidente, and Boy Golden were all consistently Graded A by the Cinema Evaluation Board. For me, being nominated is enough and winning the award is a bonus.
“I won 4 best actor awards as Asiong Salonga from FAMAS, Luna Awards, Star Awards & Gawad Pasado and I won three best actor awards as Emilio Aguinaldo from FAMAS, Luna & Star Awards. Kingpin won a total of 42 awards while El Presidente won a total of 44 awards.
“I create epic period movies that are influential and worth it - deserving of any nominations & awards. I do not have anything to do with the controversy but I admire Kuya Jobert Sucaldito’s good intention of exposing the crooked ways in the industry that need to be corrected,†pahayag ng actor-politician.
May hamon sa PMPC na sampahan ng kaso si Jobert dahil mabigat ang akusasyon nito sa kanilang grupo.
Mas maganda raw na dalhin sa proper forum ang usapin para magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.
Knowing Jobert, mas type niya na mademanda para ma-prove niya na siya ang nagsasabi ng the truth and nothing but. ’Yun nga lang, baka mapilitan siya na ibunyag pa ang mga pangalan ng mga binigyan niya ng kadatungan.
May mga nag-comment na baka raw kasali ako sa voting members ng PMPC kaya nagkaroon ng hocus pocus!
Hooyy, tigilan n’yo ako dahil hindi ako member ng PMPC at kung miyembro ako, sure win si Papa ER. Hahaha! Saka iba ang kaso ko noong 1994. I did it for love, hindi for the money. Napakalaki ng difference ’no?!
- Latest