^

Pang Movies

Female commercial model ayaw anakan ng actor-singer na kinakasama

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal nang karelasyon ng isang female commercial model ang dating actor-singer pero hanggang ngayon ay mukhang wala pa rin itong balak na mag-propose sa kanya.

Seven years na raw silang may relasyon at magkasama na nga sila sa iisang bubong. Ang hinihintay na lang ng female commercial model ay ang yayain na siyang magpakasal ni actor-singer dahil gusto na nga niyang magkaroon ng anak.

Financially ay wala naman daw magiging problema dahil kahit matagal nang wala na sa eksena ang actor-singer, nakapagtayo na sila ng negosyo nila.

Worried ang female commercial model dahil tutungtong na siya ng edad 40 at baka mahirapan na siyang magbuntis. Nahihiya naman daw siyang tanungin si actor-singer kung may balak ba itong pakasalan siya.

Nag-confide na raw si female commercial model sa kanyang mga kaibigan na may mga pamilya na at nagulat sila na wala pa ring balak na mag-propose sa kanya ang boyfriend nito.

Never daw nagtanong ito kung gusto na ba nitong magpakasal or magkaanak na sila. Sobra-sobra na raw ang pagsasama nila kaya gusto na niyang gawing legal ang pagsasama nila.

Kaso si actor-singer daw ang may problema. Kapag hindi pa raw ito nag-propose sa kanya sa taong ito, siya na raw ang gagawa ng paraan dahil ayaw ni female commercial model na tumanda na walang isinisilang na anak.

Alma nakakahinga na ng maluwag

Hindi raw bothered si Winwyn Marquez sa kalagayan ng kanyang inang si Alma Moreno dahil sa huling pag-uusap nila ay busy ito sa kanyang trabaho bilang konsehal ng Parañaque City kaya wala itong panahon para mag-emote sa personal life nito.

 â€œKinumusta ko naman si mama at sabi niya ay okey siya. Mas gumaan nga raw ang pakiramdam niya noong aminin na niya ang totoo.

“Para nga raw siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Wala na raw siyang inaalala ngayon na sasabihin pa ng ibang tao. Mas gusto niyang magtrabaho nang magtrabaho.

 â€œKahit hindi kami madalas magkita ni mama dahil we are both busy, lagi naman kaming nagtatawagan. I am always here for her,” ngiti pa ni Wyn.

Kontrabida nga ulit si Wyn ni Louise delos Reyes sa sirena-serye ng GMA 7 na Kambal Sirena. Una nga siyang naging kontrabida ni Louise sa One True Love at handa na si Wyn na muling siyang makipagsabunutan dito.

Wala pa ring kinu-confirm si Wyn kung may sasalihan ba siyang beauty contest this year. Isang taon pa raw ang hihintayin niya bago siya sumabak sa matinding training para maging isang beauty queen.

Matapos i-bully ng fans fashion police host nakipagkasundo na kay Gaga

  Natapos na ang matagal nang hindi pagkakaunawaan nila Lady Gaga at ang Fashion Police host na si Kelly Osbourne.

Isang taon ding nagkasagutan in print ang dalawa pero noong magkita sila sa Sir Elton John’s Annual AIDS Foundation Academy Awards Viewing Party in Hollywood, nagkayakapan sila ay nag-pose pa sila for pictures para sa Instagram.

“Peace at last!” ang nakalagay na caption sa instagram photo ni Kelly with Gaga habang kunwari ay sinasakal niya ito.

Matagal nang gustong makipag-ayos ni Gaga kay Kelly pero naging matigas nga si Kelly dahil pakiramdam nito ay ginagamit siya ni Gaga for her publicity stunt.

Noong magkaayos na sila, inamin ni Kelly na nag-asal bata siya dahil matindi lang ang naging sama ng loob niya kay Gaga.

 â€œI acted like a child last night. Just not into publicity stunts call me and we will end this like adults I don’t want to fight anymore.

“I will just admit that I overreacted. I really did, because when you start to f**k with me and my mom, that’s when I start to get a little bit... I saw it wrong. I saw it more as a publicity stunt than an olive branch.

“There’s a lot of really huge misunderstandings on both sides of this ridiculous fight that doesn’t even need to be happening.”

Nagsimula nga ang away nila Kelly at Gaga noong 2012 nang punahin ni Kelly sa show na Fashion Police ang suot ni Gaga sa Grammy Awards.

Nakatanggap na ng mga threatening messages si Kelly at ang ina nitong si Sharon Osbourne mula sa mga fans ni Gaga na kung tawagin ay mga Little Monsters.

Kinasama ng loob ni Kelly na wala raw ginawa si Gaga para patigilin ang mga fans nito na takutin siya at ang ina niya.

Nagsimula pa naman daw si Gaga ng kanyang Born This Way Foundation para sa campaign against bullying pero ang mga fans nito ang pasimuno sa bullying sa kanya at sa kanyang ina.

 

vuukle comment

DAHIL

FASHION POLICE

GAGA

KELLY

RAW

SILA

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with