Serye nanganganib titigbakin dahil sa pakipot na young actress
MANILA, Philippines - Madidiskaril pa yata ang directorial career ng isa naming kakilala. Pangarap pa naman niyang magtuluy-tuloy ang career sa TV nang bigyan ng break sa isang drama series.
Eh, ang problema, mukhang tagilid na ang series na dinidirek niya kung totoo ang balitang nasagap namin. Nasa stage na raw ang program na ayaw humataw sa ratings kaya ang desisyon na lang ng top management ang hinihintay kung sisibakin na ang serye.
Feeling namin, wala naman sa director ang problema ng soap. May kinalaman din marahil ang bidang babae na hindi kinakagat ang role ng isang inosenteng babae, huh! May edad na naman ang young actress so tinodo na sana ang pagpapaseksi upang mapukaw ang pansin ng mga lalaki, huh!
Wala na dapat arte-arte pa!
Sam YG pina-praktis ang ‘zero-sex for forty days’ taun-taon!
Ash Wednesday kahapon at kapag dumarating ang nasabing okasyon, ang DJ-host na si Sam YG or Shivaker ang aming naaalala. Hindi man siya Pinoy, pero may panata siyang ginagawa tuwing Ash Wednesday – walang sex o self service!
Saka lang nakikipag-sex si Sam kapag Easter Sunday na. Sa unang mga panata, naÂkapagÂtimpi si Sam nang walang babae at self-service na ligaya. Pero nitong mga huling panata niya, hindi na niya kinaya at nagpapasabog na siya!
Eh sa mga showbiz personalities, tanging si Daiana Menezes ang naugnay sa kanya. NagÂing item din sila sa mga showbiz columns. Pero retire na raw sa showbiz ang Brazilian model ayon sa tweet niya.
Eh ‘pag natutukso si Sam sa Eat Bulaga sa mga contestant sa My Foreignay na BraziÂlians, lagi niyang sinasabi na, “Tapos na ako sa Brazilians! Ha! Ha! Ha!â€
Sa mga artista naÂting lalaki, kaya ba nilang gayahin ang panata ni Sam na walang sex for forty days – from Ash Wednesday until Black SaÂturÂday? He! He! He!
Louise pinagsabihan ni Marian
Pinangaralan ni Marian Rivera si LouiÂse delos Reyes tungkol sa acting ng huli sa teaser ng sirena-serye niyang Kambal Sirena na mapapanood na sa Marso 10.
Ayon kay Louise sa press launch ng pinakamalaki niyang project, nilapitan niya si MaÂrian nang mag-guest ang huli sa Sunday All Stars.
“Pinagalitan niya ako! Ha! Ha! Ha! Wala raw difference ‘yung dalawang characters ko sa teaser na ‘yon. Sabi sa akin ni Miss MaÂrian, kailangan pati tawa nila dapat magkaiba. Tapos binigyan din niya ako ng tips. Gawin ko raw ang lahat at ibigay para wala akong regrets.
“Naisip ko rin po, kung nakaya niya noon, dapat kayanin ko rin ngayon!
“Saka palagi siyang nandiyan para sa akin. Siya na ‘yung nagsisilbing ate ko dito sa industriya talaga na nilalapitan ko! Naging baby na niya kami ni Alden (Richards) kahit noon pa.
“Alisin ko raw ‘yung restrictions. Huwag kong papansinin ‘yung nagkukumpara. Huwag akong panghinaan ng loob! Kasi ‘pag pinanghinaan ako ng loob, matatalo lang ako!†pahayag ni Louise.
- Latest