^

Pang Movies

Drama actress muntik ikulong sa airport dahil sa dalang mamahaling bag

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muntik na palang hindi pasakayin ng eroplano pabalik ng Pilipinas ang isang drama actress dahil nakipagtalo ito sa security ng isang international airport.

Masyado kasing strict sa naturang airport ng bansang pinuntahan niya para magbakasyon kasama ang kanyang mga kaibigan. Allowed nga lang ang isang carry-all bag or handcarry bag na may specific na sukat. Other than one bag ay hindi na puwede at babayaran mo na kung may additional ka pang dala-dala sa loob ng eroplano.

Sinabihan na si drama actress ng kanyang mga kaibigan na isang bag lang ang dalhin niya bilang hand-carry niya. Pero pinagpilitan ng drama actress na bukod sa handcarry ay may isa pang bag na dala. Bagong bili niya kasi ang signature bag at gusto niyang i-display ito sa airport.

Pagdating nila sa security papunta na sa kanilang pag-board ng eroplano, pinigilan ang drama actress ng security at sinabing hindi puwedeng dalawa ang handcarry niya. Isa lang ang allowed.

Nakipagtalo pa ang drama actress dahil hindi nga raw puwede na isa lang ang dala niya dahil hindi kasya roon sa handcarry niya ang mga importanteng mga dala niya tulad ng passport, cell phone at kung anu-ano pa.

Sinabihan siya na ilipat na lang ang laman ng dala-dala niyang bag sa kanyang handcarry dahil iyon daw ang policy ng kanilang airport. ’Yung dala niyang isang bag ay ipasok na rin sa handcarry.

Lalong naloka ang drama actress dahil dinayo pa niya ang mamahaling bag sa bansang iyon ’tapos ay ipapatupi lang ito sa kanya para maisaksak sa kanyang handcarry? Kaya nakipagtalo ulit ito sa security. Dahil sa gulo ay nilapitan na ang drama actress ng iba pang security at dinala siya sa isang opisina. Nagsisimula raw siya ng gulo at baka ikulong pa siya sa airport dahil nakikipagtalo pa nga sa airport security.

Nahimasmasan naman ang drama actress dahil ayaw nga niyang makulong sa airport at kailangan na niyang makabalik sa Pilipinas dahil may trabaho siyang sisimulan na. Nakakahiya raw na mabalitang nakulong siya sa ibang bansa dahil lang sa isang bag na dala niya.

Nakiusap na lang siya kung ano ang dapat gawin. Definitely ay ayaw niyang tupiin ang mamahalin niyang bag. Pagkatapos ng ilang pag-uusap sa security, napagkasunduan na magbabayad na lang ng excess luggage ang drama actress. ’Yun na lang daw ang puwedeng gawin kung gusto niyang bitbitin ang dalawang bag sa loob ng eroplano.

Wala nang ginawang debate ang drama actress dahil ayaw niyang maiwanan siya ng eroplano. Kahit na kilalang kuripot, nagbayad na lang siya kahit na mahal, huwag lang masira ang mamahalin niyang bag.

Mickey Ferriols iba na ang kinakasama

Nagbabalik nga sa GMA 7 si Mickey Ferriols pagkatapos ng mahabang panahon at gaganap siyang ina ni Louise delos Reyes sa sirena-serye na Kambal Sirena.

Dating napanood si Mickey sa teleserye ng ABS-CBN na Little Champ. Naging bahagi rin siya ng cast ng Ina, Kapatid, Anak at Kung Puso’y Masugutan, Nasaan Ka Elisa, at marami pang iba.

Si Mickey nga ang isa sa original hosts ng mor­ning show ng GMA 7 na Unang Hirit noong 1999 at isa rin siya sa mga naging co-host sa Eat Bulaga noong 1996.

Happy siya sa muling pagbabalik niya sa unang TV station na nagtiwala sa kanya bilang isang TV host.

Matagal nang hiwalay si Mickey kay Archie Alemania at may bago na siyang kinakasamang boyfriend. Wala raw problema ito sa anak nila ni Archie na si Brent dahil naging close na rin daw ito sa bagong boyfriend niya.

vuukle comment

ACTRESS

BAG

DAHIL

DALA

DRAMA

LANG

MICKEY FERRIOLS

NIYA

NIYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with