Umamin sa pagnanakaw pero umiskapo, showbiz personality nagtatago sa Amerika
Nowhere to be found ang isang showbiz insider after itakbo ang kinita ng isang film project. Pati ang kanyang mga produ ay na-shock at hindi siya mahagilap.
Say ng mga taong close to him, nasa U.S.A. ang fugitive. Tinakbuhan niya ang kaso at katumbas ito ng pag-amin niya sa krimen. Kapag bumalik siya sa bansa o madakip siya roon, tiyak na sa kulungan ang tuloy niya!
Hindi si Jed Salang, AiAi excited mayakap ang annulment papers
Sabik na si AiAi Delas Alas na makuha ang annulment papers nila ni Jed Salang. “Yayakapin ko siya kapag nakuha ko na.†Ibig sabihin ng komedÂyana, ang papeles at hindi ang former husband.
Ang dasal niya, sana meron na siyang pusong handang magpatawad sa sandaling ’yon. Mukhang nasaktan nang husto (physically and emotionally) si AiAi, kaya nahihirapan mag-move on.
Kaya pala siya hirap na makakuha ng bagong lover.
Walang pakialam si AiAi sa dating mister, kung gustong pumasok sa showbiz ni Jed. “Eh ‘di mag-artista siya.â€
Surely, hindi papayag si AiAi na makasama sa isang project si Jed.
Pelikula ni Nora pinamangha na naman ang mga kritiko sa France
Apat ang nakuhang nominations ng Mga Kuwentong Barbero sa third Madrid International Film Festival competition proper this July: Jun Lana (best director), Eugene Domingo (best actress), Ferdinand Lapus (best producer), at best film.
Nagsimula nang magwagi sa mga worldwide filmfest ang ating mga indie movies, kaya’t dadagsa ang karangalan this 2014, para sa Pinoy movie industry.
Ang Kuwento ni Mabuti starring Nora Aunor and directed by Nes de Guzman, umani naman ng papuri sa mga kritiko nang ipalabas sa Vesoul (France) International Film Festival for Asian Cinema.
Kris hindi pa gamay ang bagong talkshow nila ni Boy
Last night lang namin unang napanood ang bagong Abunda&Aquino show sa TV. Si Boy Abunda gamay na ang ganitong formal na format, dahil matagal na siya sa isang news program.
Si Kris Aquino naman feeling na nasa showbiz talk show pa siya. Present pa rin ang mga nervous giggle na tila show pa rin ng mga artista ang kanyang ginagawa. Give her ample time at tiyak na magagamay niya ang public affairs show.
Mga artista sa ngayo’y lungsod na ng San Pedro sa Laguna, nagbunyi!
Masaya ang mga taga-showbiz sa San Pedro, Laguna dahil ganap na siyudad na ang kanilang lugar. Dumalo si Laguna Gov. E.R. Ejercito sa pasinaya ng bagong lungsod.
Sa San Pedro based sina Julia Clarete, Odette Khan, mga members ng Masculados, ang premyadong scriptwriter/director na si Lando Jacob at marami pang iba.
Nandoon din ang mga baguhang may ambisyon na sumikat sa showbiz, na ang managers ay mayayamang beÂking may mga negosyo roon.
Dating exec na nagnakaw ng pera sa TV network, hindi pa rin lumulutang
Nasaan na kaya ang isang dating top executive ng network na bigla ring naglaho, tangay ang production budget ng mga teledrama.
Ang usapan noon, naging mahigpit ang pangangailangan ng exeÂcutive sa pera dahil sobrang gastos ang pagpapagamot sa malubhang sakit ng kanyang mister!
- Latest