Solenn ayaw maging bida, kuntento na lang sa pa-support-support
Nagpakatotoo lamang si Solenn Heussaff sa pagsasabing ayaw niyang maging superstar, ayaw pa niyang maging lead star sa isang project dahil alam niyang hindi pa niya kaya. Ang mahalaga sa kanya ay may work siya. Kaya wala siyang reklamo na kahit matatapos na ang telefantasyang Adarna, pumasok pa ang character niyang si Dayana.
Natanong din si Solenn kung wala bang offer sa kanya na lumipat sa ibang network? Say niya, wala naman siyang balak lumipat. In fact kapipirma lamang niya ng another three years exclusive contract sa GMA Network. Gusto niyang maging loyal sa network na nagbigay sa kanya ng maraming learning expeÂriences. Learning process daw sa kanya ang pagsama niya sa Adarna.
Ang hosting jobs naman niya, ibinibigay ng GMA News TV at may coÂming project pa siyang gagawin pero hindi pa niya alam ang details kaya ayaw pa niyang sabihin kung ano ang bago niyang show.
Paolo ayaw nang inumin ang regalong lambanog ni Roy
Ikinalungkot ng cast ng Villa Quintana ang maagang pagkawala ni Roy Alvarez na mahalaga ang ginagampanang character, bilang ang mapagmataas at malupit na si Don Manolo. Naaalala ni Paolo Contis nang makausap namin sa set na a week before nawala si Roy, binigyan siya nito ng lambanog made from mangoes. Five years na raw iyon kaya tiyak na masarap nang inumin. Tinanong siya kung natikman na niya pero hindi pa raw.
Ngayong wala na si Roy, parang ayaw niyang inumin pa ang lambanog at gawin na lamang remembrance sa isang co-star na napakabait at very supportive sa kanila sa taping. Paolo plays the role of Don Manolo’s son, Robert. Biniro tuloy si Paolo na baka dalawin siya ni Roy at tanungin kung natikman na niya ang lambanog.
Naaalala pa ni Paolo na may eksena silang dapat mamamatay na si Roy matapos itong masaksak, fatally, ni Felix (Raymart Santiago). Pero nang sabihin daw ni Direk Gina Alajar na magpa-flat line na ang apparatus sa eksena, hindi raw pumayag si Roy na mamatay siya, kaya binago ang eksena at matagal na lamang nagpagaling sa hospital ang kanyang character. Hindi raw pinatay ang character ni Roy sa story dahil kung pinalitan siya ni Al Tantay sa ibang character, magri-reshoot daw sila for two weeks.
- Latest