^

Pang Movies

Video sa concert ni Vhong noong petsang ginahasa raw si Acosta, inilabas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May inilabas na video ang ABS-CBN kung saan makikita si Vhong Navarro sa isang concert kasama si Vice Ganda, na ginanap daw sa Island Cove sa Kawit, Cavite noon mismong April 24, 2010. Iyon din ang sinasabing petsa ni Roxanne Cabañero Acosta na siya ay ginahasa (oral sex) ni Vhong sa loob ng sasakyan noon sa isang lugar malapit sa Ortigas, Pasig City. Ang ibinigay na oras ni Roxanne sa kanyang sinumpaang pahayag sa piskalya sa Pasig ay mula mga alas 10:30 hanggang 11:30 p.m. daw nangyari ang panghahalay.

Mayroon pa silang inilabas na post ni Kean Cipriano na bumabati kina Vhong at Vice at nagsa­bing kagagaling lang niya sa show ng dalawa sa Island Cove ng mga bandang alas-dos na ng madaling araw noong April 25, 2010. Ang ibig sabihin ng video na inilabas ng ABS-CBN ay halos imposible ang sinabi ni Roxanne na panghahalay sa kanya dahil mapapatunayang noong oras na iyon, at sa mismong petsa ring sinabi niya, ang kanilang star na si Vhong ay nasa isang concert sa Kawit, Cavi­te. Lumalabas na may mga testigo si Vhong, bukod pa nga sa video na iyon na wala siya sa lugar tulad na sinasabi ni Roxanne.

May isa pang punto riyan. Makalipas ang apat na taon, maaaring sabihin ng complainant na nagkamali siya sa petsa. Pero wala ngang duda na marami na ang maghihinala sa kanyang kasunod na statement.

Mahirap ang kasong rape. Una, dahil walang mga saksi maliban sa nagsasabing siya ay ginahasa, at ang pinagbibintangang gumahasa. Sa lakas ’yon ng kanilang testimonya, at kung paano nilang sasagutin ang mga tanong sa cross examination sa kanila. Natural ang unang depensa naman sa kaso ng rape ay sirain ang kredibilidad ng nagdedemanda. Maaari ring magprisinta ng iba pang ebidensiya ang nasasakdal para patunayang imposible ang bintang. Maaari ring sampahan ng libel dahil sa paninira, o perjury dahil sa pagsisinungaling sa isang sinumpaang pahayag ang nagsasakdal.

Red Hot Chili Peppers binayaran nang limpak- limpak na dolyares

Nagulat kami sa kuwentuhan tungkol sa 7107 International Music Festival sa Pampanga. Mas lalong nagulat kami sa pres­yo ng kanilang tickets, lalo na iyong tinatawag nilang two-day pass. Mahihilo ka sa presyo ng concert ng mga bandang kinuha nila, pero siyempre mayroon pa ring bumili para mapanood ng live ang Red Hot Chili Peppers.

Isang bahagi naman daw ng tutubuin ay ibibigay sa rehabilitasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Pero gaano kalaki naman kaya ang bahaging iyon?

Maiisip mo rin, ilang milyon kaya ang ibinayad nila sa mga sikat na foreign bands, lalo na ang Red Hot Chili Peppers? Tiyak na dolyar ’yan! Isipin ninyo, ilang Overseas Filipino Workers, domestic helpers, construction workers, at maski na skilled workers na Pinoy ang kaila­ngang magtrabaho sa abroad para lamang maisampa ang mga dolyar sa Pilipinas? Pero kaya pala nating gastusin ng dalawang araw lang. Nakakatuwang may mga dayuhan na nagpupunta sa ating bansa dahil diyan pero nakakalungkot din ang laki ng gastos. Magkano naman kaya ang makukuhang tax sa concert?

Male celeb hindi maka-react ’pag tinatawag na princess

Kung tawagin ng kanyang mga kaibigan ang isang male celebrity ay “princess”. Obviously ang umalma roon at mabilis na nag-react ay ang kanyang girlfriend.

Pero hindi maka-react ang male star sa mga tumatawag sa kanya ng “princess”. At alam niya ‘yun kung bakit.

 

vuukle comment

INTERNATIONAL MUSIC FESTIVAL

ISLAND COVE

KAWIT

KEAN CIPRIANO

PERO

RED HOT CHILI PEPPERS

ROXANNE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with