^

Pang Movies

Mga kuwentong puso bibida kina Jessica at Mike

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa huling linggo ngayong Buwan ng mga Puso, tunghayan ang mga kaabang-abang na kuwentong malapit sa puso ng mga manonood sa back-to-back show na Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador sa GMA 7.

Hindi lang ang mga magsing-irog na gustong magpakasal ang maaaring mag-propose ngayon. Pati ang mga estudyanteng naghahanap ng magiging partner sa JS Prom, may Promposal na. Alamin ang mga nakakakilig na gimik ng mga high school student sa paghahanap ng kanilang date para sa JS Prom.

Noong dekada 90 nakilala bilang sexy star si Aya Medel na binansagan pang Papaya Queen. Ngunit ngayon, ang dating sexy star ay isa ng sexy chef. Sa panayam ng multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho, ibabahagi ni Aya ang kanyang mga pambatong putahe at ang kanyang naging mga sangkap para maabot ang tagumpay.

Tampok din ang taxi driver na nagpapa-videoke at ang Nailympics na nagpapatalbugan ang mga out of this world na nail art.

Samantala, sa Imbestigador, bibigyang buhay ng Kapuso star na si Ryza Cenon at veteran actor na si John Arcilla ang kaso ng isang mag-asawa na tututukan ng Imbestigador ng Bayan na si Mike Enriquez.

Nakilala ng balikbayan na si Richard si Daisy sa Bohol ng ma-confine ang tatay nito sa isang ospital kung saan nagtatrabaho ang dalaga bilang isang nurse. Matapos ang tatlong buwang ligawan, nagpakasal ang dalawa at hindi naglaon ay tumira sila sa Amerika.

Ngunit nauwi sa malagim na trahedya ang kanilang mala-fairytale na kasalan matapos diumanong saksakin ni Richard si Daisy sa sarili nilang bahay sa Las Vegas, Nevada na ikinasawi ng babae. Paano nauwi sa trahedya ang inakalang magiging masayang pagsasama?

Huwag palampasin ang back-to-back episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador ngayong Linggo, Feb. 23, simula 7:30 p.m. sa GMA 7.

 

vuukle comment

AYA MEDEL

IMBESTIGADOR

JESSICA SOHO

JOHN ARCILLA

KAPUSO MO

LAS VEGAS

MIKE ENRIQUEZ

NGUNIT

PAPAYA QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with