^

Pang Movies

Bianca King hiyang na hiyang sa TV5

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Lalong gumanda ngayon si Bianca King na nasa bakuran na ng TV5. Eh dati nang maganda pero mas iba siya ngayon, hindi na malapapaya ang hugis ng mukha, bilugan na ngayon at nakalutang ang kagandahan. Ganoon daw kapag masaya ang tao at confident sa sarili, gumaganda ito. Mula sa GMA 7, nasa TV5 na ang talented actress. Ang first serye ni Bianca ay ang Obsession at may iba pang niluluto ang Kapatid network na baka simulan na rin niya, depende sa magiging usapan.

Super happy si Bianca sa bagong tahanan niya. Wala namang mabigat na conflict si Bianca sa GMA 7 dahil maayos siyang nagpaalam.

Mga fans ni Gelli at Tintin panay ang away

May bagong intriga kina Gelli de Belen at Tintin Bersola Babao. Ang dalawang ina ng tahanan sa tunay na buhay ay napapanood sa programang Face the People ng TV5 tuwing hapon mula Monday to Friday. Ang issue eh, ang mga maka-Gelli, the best para sa kanila si Gelli, at ang mga fans naman ni Tintin, siyempre para sa kanila ang idolo ang the best. Hindi magkaaway sina Gelli at Tintin pero halatang pinag-aaway sila. Buti na lang at hindi pikon ang dalawa at hinahayaan na lang nila ang mga fans. Trabaho lang daw ang kina Gelli at Tintin. Kung saan daw masaya ang mga fans ay bahala sila. At least, alam ng dalawa na may “K” silang mag-host. And take note, pareho silang magaling sa kanilang tarabaho.

vuukle comment

BELEN

BIANCA

BIANCA KING

BUTI

FACE THE PEOPLE

GANOON

GELLI

KAPATID

TINTIN

TINTIN BERSOLA BABAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with