^

Pang Movies

Young actor tumanggi sa gay role, natatakot maging natural ang akting

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tigas ang tanggi ng isang young actor sa inalok sa kanyang gay role. Sayang dahil mahusay siyang umarte at tiyak na magagampanan ng mahusay ang papel ng isang closet queen.

Bulong ng isang nakakakilala sa artista, baka natakot siyang maging very natural ang kanyang pagganap. Bago pa kasi pumasok sa showbiz, nagtatago na ang actor sa dilim.

Baka nga naman lumabas ang tunay niyang katauhan at mabukayo siya ng kanyang mga kasamahan. Lalo na sa isang love scene na afraid ang kafatid na baka biglang bumigay!

Studio ng Showtime may bad vibes, mga host hindi nawawalan ng ‘problema’

Lumulutang na ang mungkahi na ilipat ng studio ang It’s Showtime. Say ng mga mapamahiin, bad vibes sa loob ng venue ng show.

Nauna na si Anne Curtis na nasangkot sa iskandalo ng pananampal. Isa pang lead star doon, si Vhong Navarro, biktima naman ng pambubugbog.

Si Kuya Kim Atienza dinapuan naman ng pambihirang karamdaman. May nag-chika na may kasali sa show na nanganib ang buhay sa sakuna.

Habang sick leave si Vhong, nagbabalak naman si Anne na magbakasyon ng matagal sa palabas. Marami siyang showbiz commitments kaya gusto niyang mag-focus sa mga kailangan ang sapat na panahon. Siyempre meron din siyang boyfriend na kailangang asikasuhin.

Fil-Am sa AI nagpakitang-gilas agad

Pinahanga ng Fil/Am contestant na si Malaya Watson sina Jennifer Lopez, Harry Connick, Jr., at Keith Urban, American Idol judges.

Ngayon pa lang ay marami na siyang suppor­ters para makasali sa Final 12 ng popular reality talent search.

Piolo ayaw mag-preempt kay Shaina

Kahit anong pag-iwas ni Piolo Pascual sa pagsasalita kung ano talagang relasyon nila ni Shaina Magdayao,  inaamin naman niya na lagi siyang masaya kapag kasama ang young actress.

“I don’t want to preempt lover,” sabi ng aktor. Pero umaasa silang dalawa na ang maganda nilang pagtitinginan sa nga­yon ay posibleng mauwi sa higit na malalalim na relasyon.

Hanggang kailan kaya magwawakas ang mga pahiwatig. Ang fans naman, nagmamadali upang maihabol sa Feb. 14, Love Day.

Malay naman ninyo kung talagang naglilihim lang ang dalawa upang hindi sila guluhin ng iba.

Regine gumanda ang image dahil kay Mang Gerry

Simula pa noong sumasali pa lang si Regine Velasquez sa mga amateur singing contest, kinagiliwan na ng mga tao ang kanyang amang si Mang Gerry. Alam na­ting lahat kung paano sinanay kumanta si Regine ng kanyang dakilang ama, pati na ang pagiging kampeon niya sa PR.

Kung ano man ang nagiging pagkukulang sa pakikisama ni Regine sa mga taga-showbiz at mga tagahanga, laging pinupunan ito ni Mang Gerry. With him always around, hindi magagawang sumama ang loob o magtampo kay Regine.

Kahit nakahanda ang kanilang buong pamilya, dahil matagal magkasakit si Mang Gerry, sobrang dalamhati pa rin sila sa pagyao ni Mang Gerry. Bihira kasi tayong maka-encounter ng taong katulad ni Mang Gerry. Kasabihan nga sa Tagalog, walang masamang tinapay. Lahat pinakisamahan ng maganda.

To the Velasquez family and all of Mang Gerry’s admirers (including this columnist), taus-pusong pakikiramay at taimtim na dasal para sa kanyang kaluluwa at naiwan.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ANNE CURTIS

GERRY

HARRY CONNICK

JENNIFER LOPEZ

KAHIT

KEITH URBAN

MANG GERRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with