^

Pang Movies

Nora dalawang indie ang pinagkakaabalahan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Puro pelikula pala ang pinagkakaabalahan ni Nora Aunor. Hindi muna siya gagawa ng teleserye dahil dalawang pelikula ang tatapusin niya.

Pero natapos nang gawin ni Ate Guy ang mini-series for TV5 na When I Fall in Love na katambal niya si Tirso Cruz III. Handog ito ng Superstar sa kanilang mga loyal Guy and Pip fans. Si Joel Lamangan ang director ng serye.

Nagsyu-shooting na si Ate Guy ng pelikulang Dementia at makakasama naman niya ang bagong prinsesa ng Kapatid Network na si Jasmine Curtis-Smith. Directorial debut naman ito ng former TV5 executive na si Perci Intalan.

Sinimulan na rin niya ang Padre de Pamilya with Coco Martin, Rosanna Roces, at Julia Montes na kukunan pa sa bansang Malaysia. Mula ito sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

Yasmien may permiso sa asawa ang mga ginagawa

Nagpapasalamat si Yasmien Kurdi dahil muli siyang naging aktibo sa pag-arte pagkatapos ng matagal na panahong namahinga siya. Sinimulan niya ang kanyang pagbabalik sa Anna KareNina, ngayon ay kasama siya sa bagong primetime series ng GMA 7 na Rhodora X kasama sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Mark Anthony Fernandez.

Wala naman daw issue sa kanyang mister ang pagiging aktibo ulit sa showbiz. Napag-usapan naman daw nila ang magiging schedule niya sa trabaho at sa pag-alaga sa kanilang baby.

“Maayos naman akong nagpaalam sa asawa ko. Alam naman niyang miss na miss ko na ang showbiz. Nakita naman niya na noong ginagawa ko ang Anna KareNina last year, hindi naman ako naging pabayang ina sa baby namin. Kaya pumayag siya ulit na tumanggap ako ng bagong show,” diin pa ni Yasmien.

Natuwa si Yasmien dahil nagkaroon ng reunion via Rhodora X ang original na Final Four ng kauna-unahang Starstruck.

vuukle comment

ADOLF ALIX

ATE GUY

COCO MARTIN

FINAL FOUR

GUY AND PIP

JASMINE CURTIS-SMITH

JENNYLYN MERCADO

NAMAN

RHODORA X

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with