^

Pang Movies

vilma at Nora magbabakbakan sa awards season

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa nalalapit na awards season sa local entertainment industry, tiyak na mabubuhay na naman ang rivalry ng Noranians ni Nora Aunor at Vilmanians ni Vilma Santos dahil pareho silang may magandang mga pelikula at nagpakita sila ng kanilang mahusay na performance.

Parehong indie films na isinali sa local indie film festivals ang mga pelikula nina Ate Guy at Ate Vi.

Sa Cinemalaya Independent Film Festival kasali ang Ekstra: The Bit Player ni Ate Vi at sa CineFilipino Film Festival naman ang Kuwento ni Mabuti ni Ate Guy.

Nanalo si Ate Vi bilang best actress sa Cinemalaya pero tinalo naman si Ate Guy ng isang batang aktres sa CineFilipino.

Pero tiyak na magsasalpukan sa award-giving bo­dies ang dalawang aktres dahil kapwa sila nagbigay ng mahusay na acting.

Makakalaban naman ng dalawang premyadong aktres ang mga nag-deliver din ng magagaling sa kanilang mga pelikula tulad nina Cherie Gil (Sonata); Lorna Tolentino (Burgos); Rustica Carpio (Ano Ang Kulay Ng Mga Nalimutang Pangarap); Teri Malvar (Huling Cha-Cha Ni Anita); Irma Adlawan (Transit); Lovi Poe (Sana Dati); Agot Isidro (Mga Anino Ng Kahapon), at Eugene Domingo (Kimmy Dora: The Kiyemeng Sequel).

Jojo Alejar balik-GMA na, kukumpetensiyahin si Kuya Germs

Maganda ang pasok ng taong 2014 para sa actor-TV host na si Jojo Alejar dahil sa kanyang pagbabalik sa GMA 7 via his late night show na The Medyo Late Night Show With Jojo A.

Nagsimula ito noong Jan. 6, 12:30 a.m. Mula Lunes hanggang Biyernes mapapanood ang late night show ni Jojo.

Nagsimula ang talk show ng actor-TV host noong 2005 sa RJTV channel with the title Jojo A. All The Way. Lumipat sa QTV Channel 11 noong 2007 ang show and it was retitled The Medyo Late Nite Show With Jojo A. All the Way.

In 2009, on the show’s eighth season, lumipat ang show sa TV5 at binalik ito sa original title na Jojo A. All the Way.

Para sa TV host, isang magandang homecoming ang pag-ere ng kanyang talk show sa Kapuso Network dahil nagbabalik lang siya sa TV station na una siyang nakilala via the teen-oriented variety show na That’s Entertainment in 1986.

AGOT ISIDRO

ALL THE WAY

ANO ANG KULAY NG MGA NALIMUTANG PANGARAP

ATE GUY

ATE VI

BIT PLAYER

CHERIE GIL

JOJO A

JOJO ALEJAR

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with