^

Pang Movies

Balitang paglipat galing din sa kampo ni Kris!?

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Matatapos na ang mga haka-haka tungkol sa lilipat daw si Kris Aquino sa GMA Network at magiging TV executive ng TV5, ngayong nagsalita na si Kris na muli siyang nag-renew ng contract sa ABS-CBN. Nilinaw din niyang hindi siya nakipag-usap sa GMA pero twice siyang nakipag-usap kay Manny V. Pangilinan. Kaya ngayon may mga nagtatanong sa kampo ni Kris kung saan daw ba galing ang balitang lilipat siya ng ibang network? Biro ng aming kausap, hindi kaya sa kampo rin ni Kris nanggaling ang balitang iyon? Our source also said na tuloy pa rin ang KrisTV sa new contract, pero mas magku-concentrate raw si Kris sa pagpu-produce, hence magku-co-produce siya with MVP sa ilang projects. So, ang hihintayin na lamang balita kung matutuloy ang pagbili ni MVP at ng PLDT at Smart Telecommunications sa major shares ng GMA na tikom pa rin ang bibig kung mangyayari ito very soon.

May announcement mamaya ng coming new shows ng GMA, sana ay may makuha na kaming latest news about the negotiation if it is true.

Sarah hindi sinibak sa basement

Nakatanggap kami ng press release from Reality Entertainment and GMA Films, producers ng horror movie na Basement. They corrected ang natanggap naming previous press release na hindi galing sa kanila. Hindi raw totoong tinanggal sa cast si Sarah Lahbati dahil natapos naman nito ang mga eksena niya bago siya umalis for Switzerland. So, ang buong cast ay sina Aljur Abrenica, Chynna Ortaleza, Louise delos Reyes, Kristoffer Martin, Enzo Pineda, Sarah, Dion Ignacio, Kevin Santos, Jan Manual, Ron Padilla, Teejay Marquez, Mona Louise Rey, Alvin Aragon, Carl Acosta, Den Quindoza at sina Betong Sumaya, Ellen Adarna at Ms. Pilita Corrales sa direksyon ni Topel Lee.

Mapapanood  ang Basement sa last week of February.

Joey nagpakitang-gilas sa pagluluto

Back to GMA na nga ba si Joey Marquez? Wala na siyang project na ginagawa sa ABS-CBN kaya no problem naman kung muli siyang bumalik sa Kapuso Network. Unang sabak ni Joey ay sa GMA News TV, sa lifestyle show nina Camille Prats at Suzi Entrata, ang Mars, na nagluto siya ng  Manong’s Special Steak. Having several children, nag-share din si Joey sa topic na napu-program ba ang happiness?

Sa ngayon daw kasi, masaya siya kahit walang lovelife basta kasama niya ang mga anak niya. Guests din nina Camille at Suzi ang mga stars ng coming afternoon prime na Paraiso Ko’y Ikaw, sina Joyce Ching at Phytos Ramirez, at 6:00 p.m.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALVIN ARAGON

BETONG SUMAYA

CAMILLE PRATS

CARL ACOSTA

CHYNNA ORTALEZA

DEN QUINDOZA

DION IGNACIO

ELLEN ADARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with