MMFF halos P1 billion na ang kita
Last day na ngayong Tuesday sa mga sinehan ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) at based sa unofficial total gross na lumabas as of Jan. 4, halos one billion pesos na ang kinikita ng festival, sa top four movies pa lamang: My Little Bossings, Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Pagpag: Siyam na Buhay, at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.
Pero tulad ng sabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman and MMFF Over All Executive Chairman Francis Tolentino, sila ang magri-release ng official box-office gross ng walong pelikulang kalahok sa festival.
Dingdong gagawa ng mature na pelikula kasama ang sikat na aktres
Pinaglaanan talaga ng oras ng mag-sweetheart na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang invitation ng DongYan Crusaders International (DYCI) na nag-celebrate ng kanilang second anniversary last Sunday, Jan. 5, held at Dad’s EDSA, Greenhills, San Juan. Two hours na nakasama ng may 15 members ng DYCI mula sa Hong Kong, Singapore, USA, at Canada ang kanilang mga idolo.
Thirty pala lahat ang members nila pero iyong nasa Middle East ay hindi pinayagang makauwi rito or huwag na silang bumalik sa trabaho. Headed by Ate Lita Mitchell (na naimbita rin kami through @BabesRN), isang program ang ginawa na nagpakita sila ng mga video mula sa mga eksena ng mga drama series at movie na pinagtambalan nila habang inaawit ni Shiela from Hong Kong na isang dating band singer doon ang You Are the One.
Creative rin sila na sa isang video naman ay ipinakita in animation ang mga eksena ng mga project nila using their voices. Binigyan din sila ng tig-isang photo album nila na may dedication ng bawat member, a frame each na may pencil drawing ng pictures nila plus gifts from the fan club.
In return, nagpasalamat sina Dong at Yan sa suporta sa kanila ng fans na kahit malayo sa Pilipinas, ka-join sila ng ibang DY fans dito sa mga block screening ng movies nila, magkaÂsaÂma man sila o hindi. Sana raw ay huwag silang magsawa sa pagÂsuÂÂporta lalo pa at malapit nang magÂsimula ang drama series ni MaÂrian na Carmela (Ang PinaÂkaÂÂmagandang Babae Sa Ibabaw ng Mundo).
Nakausap din namin sandali si Dingdong at natanong kung may susunod na siyang project after ng Genesis. Mayroon na raw, mature ang concept ng drama series pero wala pa siyang maibigay na details as to who will direct it at kung sino ang bubuo sa cast. Isa lamang ang nasabi niya, baka raw isang sikat at mahusay na actress ang makakatambal niya.
Matutuwa ang fans nila dahil mag-aabot ang dalawang drama series na ipalalabas sa primetime block.
Sarah tsinugi sa Basement
Nakatanggap kami ng press release para sa horror-suspense movie ng GMA Films na Basement na dinirek ni Topel Lee. Nasa cast sina Aljur Abrenica, Louise delos Reyes, Kristoffer Martin, Ellen Adarna, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Betong Sumaya, Enzo Pineda, Teejay Marquez, Dex Quindoza, at Ms. Pilita Corrales.
Tinanggal na ba sa cast si Sarah Labhati, na may eksenang nai-shoot bago siya nag-leave sa showbiz?
- Latest