^

Pang Movies

Manager ng Sex Bomb gustong layasan ng mga alaga kaya nag-try mag-suicide?!

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang nag-alala ang former Sex Bomb girl na si Rochelle Pangilinan nang makarating sa kanyang ang balitang sinugod daw sa ospital ang dating mana­ger niyang si Joy Cancio.

Balita kasing nag-overdose raw sa sleeping pills si Joy at nang hindi ito magising ay tinakbo na sa ospital. May usap-usapan din na ilang araw na raw depressed ang manager ng Sex Bomb.

“Matagal ko na kasing hindi nakakausap si lola,” tawag pa ni Rochelle sa kanyang dating manager.

“Naging busy kasi tayo pero paminsan-minsan tinatawagan ko naman siya. Nakikibalita ako sa ibang Sex Bomb girls kung kumusta na si lola.

“Kaya nagulat ako nang mag-text sa akin si Mia (Pangyarihan) na nasa ospital daw si lola.

“Sinubukan kong tawagan ang anak niya pero hindi pa makausap ng maayos,” sabi Rochelle.

Ayaw isipin ni Rochelle na nag-isip na magpakamatay ang dati niyang manager. Sa pagkakakilala ng dancer-actress sa kanyang ma­nager ay matapang ito at mahal ang kanyang buhay.

“Palaban si lola. Hindi siya basta-basta mag-iisip na tapusin na ang lahat. Mahal niya ang pamilya niya kaya imposibleng gawin niyang saktan ang sarili niya. Pinagdarasal ko na maging okay na ang lahat para kay lola,” sabi ni Rochelle.

May nasagap nga kaming chismis na kaya raw sobrang na-depress si Joy ay dahil may ilang Sex Bomb girls daw na ayaw nang mag-renew ng kontrata sa kanyang management dahil sa hindi raw sila para­ting nagkakaroon ng trabaho.

The Prayer ng OPM artists at Loboc Children’s Choir nasa YouTube na

Nagsama-sama ang ating Original Pilipino Music (OPM) artists para sa isang charity recording ng awiting The Prayer kasama ang Loboc Children’s Choir.

Ang kikitain nito ay mapupunta sa mga naging biktima ng earthquake sa Bohol at Cebu at mga biktima ng Typhoon Yolanda sa Kabisayaan.

 Sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Kuh Ledesma, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Lani Misalucha, Noel Cabangon, Christian Bautista, Billy Crawford, Rachelle Ann Go, Angeline Quinto, Richard Poon, Yeng Constantino, at Jay-R ang mga singer na sumali sa recording ng The Prayer, ang awiting na pinasikat sina Celine Dion at Andrea Bocelli.

Produced ito ng Universal Records Philippines at magiging available ito for download at spinnr.ph.

Ang proceeds will go directly sa helpPH campaign ng Philippine Di­saster Recovery Foundation, isang non-profit organization na binubuo ng major companies mula sa private sectors at ilang mga non-government organization.

Mapapanood na ang video ng recording ng The Prayer in black and white sa YouTube.

vuukle comment

ANDREA BOCELLI

ANGELINE QUINTO

BILLY CRAWFORD

CELINE DION

CHRISTIAN BAUTISTA

JOY CANCIO

KUH LEDESMA

LOBOC CHILDREN

SEX BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with