Winwyn hindi pa ready na maging beauty queen
Hindi pa sure si Winwyn Marquez kung makakasali siya sa anumang beauty pageant sa darating na taon. Kakapirma lang daw kasi niya ng two-year exclusive contract with GMA 7 at baka mahirapan sa magiging schedule niya ang magte-train sa kanya para maging beauty queen.
Kung si Winwyn lang ang makakapagdesisyon, gusto na niyang sumali next year. Pero sa abiso nga ng kanyang manager and mentor na si Jonas Gaffud, gusto nitong tapusin muna ang kotrata niya sa GMA 7 bago simulan ang training.
“Gusto ko na pong sumali pero sabi nga po ni Mama Jonas na hindi pa ako masyadong ready. Ayaw naman daw niyang madaliin ang lahat kasi gusto niyang handang-handa ako physically and mentally.
“Ngayon po kasi twenty one years old na ako. Tama lang daw na kapag natapos ang kontrata ko with GMA 7, twenty three years old na ako. Magiging ready na ako by that time. Doon na niya ako sisimulan na i-train.
“Kampante naman po ako kay Mama Jonas kasi proven na ang husay niya sa pag-mold ng beauty queen. Kaya kung sinabi niyang maghintay pa ako, maghihintay ako for the right time,†paniniwala ni Wyn.
Malapit nang matapos ang kinabibilangan ni Wyn na weekly series, ang Dormitoryo. Sa istorya ay meron palang kambal ang character niyang si Maika na pinatay sa school campus. Ito ay si Danica na isang evil twin sister naman.
Justin Bieber mamimigay ng trip to L.A. sa charity drive PARA sa mga nasalanta ng Yolanda
Kahit na nasa gitna ng matinding kontrobersiya ang Canadian pop teen superstar na si Justin Bieber, nagawa pa rin niyang mag-launch ng isang charity drive para sa pagbigay ng relief efforts sa mga naging biktima ng Typhoon Yolanda sa ating bansa.
Sa pag-launch ng kanyang charity drive, magre-reward ang teen pop idol sa isang lucky donor ng trip for two to Los Angeles, California at ang pagkakataon na makasama at makakuwentuhan siya sa studio.
“Everyone knows I’ve got the best fans in the world. So the moment I heard about the tragedy a few weeks back I knew I could count on you guys to make a difference,†say pa ni Bieber sa kanyang 41-second clip announcing the charity drive.
Ang Beliebers ay ineenganyo na mag-donate sa Prizeo.com. Ang proceeds ay mapupunta sa typhoon relief efforts ng UNICEF, Action Against Hunger, at Philam Foundation.
Tagapagtanggol ng mga Africano na si Nelson Mandela pumanaw na
Sumakabilang-buhay na ang former South Africa president, anti-apartheid leader, at Nobel laureate na si Nelson Mandela. Ang 95-year old leader ay nagkaroon ng complications sanhi ng matagal na niyang lung infection.
Naging simbolo ng katapangan at pagkakaisa si Mandela na nilabanan ang matinding history of racism sa South Africa.
Twenty seven years siyang ikinulong sa Robben Island Prison labas ng Cape Town dahil sa kanyang hangad na matanggal na ang apartheid government. Napakawalan siya in 1990.
Noong 1994 naging unang South African black leader sa kanilang election history si Mandela. Taong 1999 nang bumaba na siya sa puwesto pagkatapos ng single term at nagretiro na mula sa political and public life.
Ipinanganak si Nelson Rolihlahla Mandela sa Transkei, South Africa noong July 18, 1918. At isa siyang abogado mula sa University College of Fort Hare and the University of Witwatersrand.
Ito ang kanyang naging pamosong statement sa kanyang defense trial:
“During my lifetime I have dedicated myself to the struggle of the African people. I have fought against white domination, and I have fought against black domination. I have cherished the ideal of a democratic and free society in which all persons live together in harmony and with equal opportunities. It is an ideal which I hope to live for and to achieve. But if needs be, it is an ideal for which I am prepared to die.â€
Noong pakawalan siya in February 11, 1990 dahil sa efforts ng mga anti-apartheid campaigner gamit ang slogan na “Free Nelson Mandela†ay naging malaking balita ito sa buong mundo.
Nakatanggap si Mandela ng maraming national and international honors kabilang na ang Nobel Peace Prize in 1993, the Order of Merit from Queen Elizabeth II, at ang Presidential Medal of Freedom mula kay George W. Bush.
Noong July 2004, ang city of Johannesburg ay nagbigay ng pinakamataas na parangal kay Mandela. Ito ay ang kalayaan ng kanilang city at nagkaroon pa ito ng malaking ceremony sa Orlando, Soweto.
- Latest