^

Pang Movies

Jessy ginulat sa kanyang birthday

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinorpresa ng cast, staff, at miyembro ng kanyang fans club si Jessy Mendiola kamakailan sa set ng kanyang primetime serye na Maria Mercedes para ipagdiwang ang kanyang ika-21 kaarawan.

Laking gulat ng Pinay Maria Mercedes nang biglang sumambulat sa kanya ang mga katrabaho at masugid na tagahanga sa inaakala niyang next location ng kanyang kukunang eksena.

“Nagulat talaga ako. Masaya ako kasi halos lahat ng taong mahal ko nandoon,” sabi ni Jessy.

Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, hini­ling ng Kapamilya actress na magkaroon lang ng maayos na kalusugan. Inamin niya ring hindi naging madali ang taong ito para sa kanya.

“Madami akong naranasan na problema kung saan natuto ako. Hindi naging madali pero masasabi ko namang pinatatag ako nito. Pero sa kabila noon, mabait talaga ang Diyos at binigyan niya rin ako ng blessings na lubos kong ipinagpapasalamat. Iba talaga itong taon na ‘to. Hindi ko makakalimutan,” sabi ng seksing aktres.

Kabilang sa ipinagpapasalamat ni Jessy ay ang patuloy na pagtangkilik at pagtaas ng ratings ng kanyang serye na Maria Mercedes sa buong bansa at lalo na sa Metro Manila. Tumabo rin sa takilya ang kanyang ikalawang pelikula under Star Cinema kasama sina Pokwang at Enchong Dee na Call Center Girl.

Kamakailan ay naging trending topic din si Jessy online sa loob ng isang buong araw dahil sa viral video ng kanyang ineendorsong fast food chain kung saan natulala at natameme sa kanyang ganda ang basketball star na si Jeric Teng.

Marami na ring nakapilang projects si Jessy, kabilang na ang pelikula kasama si John Lloyd Cruz, at kaliwa’t kanan ang requests sa kanya para sa mga event at out-of-town show.

Talaga namang maganda ang takbo ng showbiz career ni Jessy pero nang tanungin tungkol sa kanyang love life, ang maikling sagot niya ay  “wala eh. Nag-aantay pa rin.”

Present sa birthday surprise ang Business Unit Head na si Ruel Bayani, director Rechie Del Carmen, production manager Riza Ebriega, executive producer Des Juan, cast na sina Vina Morales, Devon Seron, Yogo Singh, Jason Abalos, at Tess Antonio, at ang official fans club ni Jessy na Jessylicious.

Huwag palalampasin ang inaabangang pagbangon ni Maria Mercedes gabi-gabi pagkatapos ng Got to Believe sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

vuukle comment

BUSINESS UNIT HEAD

CALL CENTER GIRL

DES JUAN

DEVON SERON

ENCHONG DEE

JASON ABALOS

JESSY

KANYANG

MARIA MERCEDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with