Rocco nawalan ng ulirat sa dagat!
Ipinakilala ni Direk Francis O. Villacorta ang buong cast ng Pedro Calungsod, Batang Martir sa grand presscon nito sa pamamagitan ng pagrampa ng bawat isa suot ang costume na ginamit nila sa movie which dated back in 1668, sa pangunguna ni Rocco Nacino bilang si Pedro Calungsod.
Inamin ni Direk Francis na ang story ng movie ay based lamang sa historical facts provided by the San Diego Mission ni Padre Diego San Vitores na pinatay noong 1672 sa Marianas Islands (Guam), kasama si Pedro Calungsod, habang isinasagawa nila ang conversion ng mga Chamorro to Christianity. Hindi na rin siya humingi ng advice sa church authorities dahil alam niyang pipilitin lamang siyang sundin ay ang gusto nila at hindi sa research na ginawa niya.
Ang hindi malilimutang eksena nina Rocco at Christian Vasquez na gumanap na Padre Diego, ay ang last shooting day nila na magkatali sila na inihulog sa dagat. Nagkataon na noon ay malakas ang ulan at hangin sa Lobo, Batangas at tumaas ang tubig kaya nahirapan silang iligtas ang sarili nila. Nagpipilit daw si Rocco na makawala sila ni Christian sa pagkakatali pero nahirapan siya kaya raw sumenyas na siya sa diver na kasama nila dahil malulunod na sila sa six-feet high water. Nakainom na raw siya ng tubig-dagat at medyo mahina ang resistensiya niya dahil pagod siya sa sunud-sunod na taping at shooting. Tamang-tama raw ang paglapit ng diver bago siya tuluyang nawalan ng ulirat. At iyon ay itinuturing nilang isang himala sa kanila ni San Pedro Calungsod, ang pagkaligtas sa pagkalunod.
May mga nagtatanong kay Rocco bakit niya tinanggap ang role ng buhay ng isang Santo ganoong isa siyang Christian, hindi raw niya tinitingnan kung ano ang religion niya basta malakas ang faith niya sa God, at isang honor na sa kanya na ibinigay ang role na minsan na rin niyang nagawang drama special sa GMA News TV last year.
Ang Pedro Calungsod, Batang Martir ay entry sa 39th Metro Manila Film Festival sa Dec. 25 produced by HPI Synergy Group ni Ms. Ida Tiongson in association with Wings Entertainment. Ang theme song na Awit ni Pedro ay kinanta ni Fatima Soriano.
- Latest