Yasmien umaming semi-baog!
Nagpasalamat si Yasmien Kurdi na nagkaanak agad siya dahil ayon sa kanyang OB-Gyne, mahirap pala siyang magka-anak at may pagka-semi-baog siya because of hormonal inbalance. Kaya nagsisi siya kung noong una ay parang hindi niya matanggap na at 22, nagkaanak na siya. Pero ngayon, bawing-bawi na raw iyon dahil may mabait siyang asawa, si Rey Soldevilla at nag-first birthday na ang baby nilang si Ayesha.
Thankful siya sa GMA Network dahil sa kanyang muling pagbabalik, after ng AnnaKareNina, ibinigay naman sa kanya ang bagong primetime drama series na Rhodora X. Happy siya dahil she will work again sa mga kapwa StarStruck na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras at first time namang makakatambal si Mark Anthony Fernandez.
Ayaw pang idetalye ni Yasmien ang role na gagampanan niya sa soap.
May pilot telecast na sila sa January 3, 2014.
Line produ lungkot na lungkot sa naunsyaming trabaho
Sad ang isang line producer nang malaman niyang hindi na pala itutuloy ang kanyang project sa isang network. Nalungkot siya para sa kanyang mga artista at production staff na umaasang may work sila for Christmas dahil nakapagsimula na silang mag-taping.
Pero sinabi raw naman sa line producer na itutuloy pa rin nila ang project pero next year pa at wala pa ring definite date kung kailan sila magsisimula.
Maximo... nasa stage play na
Kung hindi pa ninyo napapanood ang Maxie the Musicale, may two weekends pa silang presentation sa PETA Theater in New Manila, Quezon City sa Nov. 28 to Dec. 1 at sa Dec. 6 to 8 with matinee shows on Saturdays and Sundays.
Ang Maxie ang musical version ng one of the most successful gay indie movie, ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, na ginampanan ni Nathan Lopez.
Nakasabay naming nanood si Nathan na binata na at pinuri naman niya ang acting ni Jayvhot Galang (naging finalist ng Talentadong Pinoy.) Gumaganap namang pulis na si Victor si Jojo Riguerra na na-in love sa kanya si Maxie pero pinigilan niya dahil makakaapekto ito sa illegal works ng kanyang ama at dalawang kapatid na lalaki.
Medyo mahaba lamang ang play pero maganda ang mga dance numbers nila at singing voice ng mga performers. Isa sa hinangaan dito ay ang Protégé finalist na si Nomer Limatog. Straight ang bagets pero ang husay-husay niyang gumanap na beki at maganda talaga ang kanyang singing voice.
May balitang in last Sunday’s performance, nagkaroon ng wardrobe malfunction ang underwear ni Victor na sumama sa paghuhubad niya ng kanyang pants.
Ang Maxie the Musicale ay under the direction of Dexter M. Santos.
- Latest