^

Pang Movies

Aktres na nakakontrata sa network, nagpakasal na sa pagkalayu-layong probinsiya!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Balitang ikinasal na ang isang actress, sa isang ma­layu-layong probinsiya, pero sikreto raw muna ito dahil may contract pa siya sa isang network at may clause yata na hindi siya puwedeng magpakasal ha­bang hindi pa tapos ang contract niya. Pero ang wedding ay parehong may approval ng family nila na nag-attend sa ceremony. 

Hindi rin naman preggy ang actress kaya sila biglang nagpakasal. Gusto na nila talaga kaysa mag-live-in arrangement lamang sila dahil they really love each other naman.

Marian pinagkaguluhan sa Vietnam, airport securities natulala

Nakakatuwa naman ang mainit na pagtanggap ng fans ni Marian Rivera sa kanya nang duma­ting pa lamang siya sa Tan Son Nhat International Airport sa Ho Chi Min, Vietnam. Based sa mga Instagram at video posted ng fans, kitang tulala ang airport securities dahil hindi nila napigilan ang napakaraming fans na lumapit sa GMA Primetime Queen. From the airport unang pinuntahan ni Ma­rian ang Notre Dame Cathedral dahil Sunday iyon at nagpasalamat siya sa safe trip nila ng manager niyang si Rams David. 

Kahapon ay ka-text namin si Rams bago nagsimula ang press conference sa ballroom ng Intercontinental Hotel na dinaluhan ng maraming local press at fans. Mag-aapir si Marian sa isang show ng TODAY TV bago ang dalawang araw na fans’ day niya to meet her Kapuso fans doon. 

Kaya sorry na lamang doon sa mga gustong siraan si Marian hanggang sa Vietnam na nagpo-post ng kung anu-anong hindi totoong balita dahil makikita naman kung gaano siya ka-love ng mga tagahanga roon.  

Dingdong initsapuwera sa guest list si Marian

Masaya, kahit medyo mahirap ang mga eksena niya, si Lorna Tolentino sa Genesis. Sunud-sunod na sinu-shoot nina Direk Mark Reyes at Bb. Joyce Bernal ang mga malala­king disaster scene na gustung-gustong panoorin ng viewers. 

Ayon nga kay Dingdong Dantes, marami pa silang special guests to play cameo roles. Natapos nang mag-taping si Isabelle Daza bilang isang nurse at nagti-taping naman si Ervic Vijandre na first time lamang niyang nakatrabaho at gaganap na kumander ng mga rebelde tulad din ni Gardo Versoza. 

Biniro namin ng tanong si Dingdong kung hindi ba niya igi-guest ang girlfriend niyang si Marian Rivera? Sagot niya, magiging busy na raw ang aktres sa taping ng bago nitong soap sa GMA 7 na kinorek niya na ang talagang title ay name ng isang babae at hindi ang nasabi niyang Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Lupa.

 

vuukle comment

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

DINGDONG DANTES

DIREK MARK REYES

ERVIC VIJANDRE

GARDO VERSOZA

HO CHI MIN

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with