^

Pang Movies

Paolo na-challenge na pinatanda para gumanap na ama ng higit sa bente anyos

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na tumanggi si Paolo Contis nang alukin sa kanya ang role bilang Robert Quintana sa bagong afternoon drama series ng GMA 7 na Villa Quintana. Gaganap siya bilang ama ni Janine Gutierrez sa naturang teleserye. First time itong tumanggap ng father role ang aktor na ang magiging anak niya ay edad early 20s.

“Okay lang naman kasi trabaho ito eh. Bago ito for me kasi in the past ay puro mga kontrabida role ang mga ginagawa ko. Para maiba naman.

“This time mabait ako rito at sunud-sunuran sa father kong si Don Manolo Quintana (played by Roy Alvarez) at sa asawa niyang si Stella (Maricar de Mesa).

“In fairness naman, patatandain naman ako rito ng konti. Sa flashback kasi mga bata pa kami ni Lumeng (Sunshine Dizon) noong magkaroon kami ng relasyon at mabuntis ko siya.

“Malaking challenge sa akin ito at siyempre hindi naman tayo tumatanggi sa trabaho,” kuwento ni Paolo.

Aminado ang aktor na kailangan niya ng regular na pagkakakitaan para sa anak nila ng kanyang estranged wife at ngayon ay kaibigan nang si Lian Paz.

“Para naman sa mga bata itong pinagtatrabahuan natin. It’s good din that Lian is also working. Kasama siya sa Prinsesa ng Buhay Ko. I’m happy na busy din siya,” sabi ni Paolo.    

Direk Gina pinaalalahanan sina Elmo at Janine na trabaho at pakikipagkapwa-tao ang importante

 Ayaw panoorin ni Gina Alajar ang original series na Villa Quintana dahil gusto niya na fresh ang approach niya sa naturang series tulad ng ginawa niya sa Anna KareNina.

Dagdag pa niya, mas madaling gawin ang isang teleserye kung alam mong wala kang pinanggagayahan at bago ang lahat ng nasa paligid.

“‘Yun ang bilin ko sa mga artista ko sa Villa Quintana. Na they don’t have to watch the original series dahil malaki ang pagbabago sa kuwento na gagawin namin. Though the storyline is the same, siyempre kailangang i-update natin sa modern times. Just like what we did sa Anna KareNina.

“Noon kasi hindi pa uso ang social media like Facebook, Twitter, and Instagram. Sa bagong Villa Quintana may mga ganyan na.

“Pero ‘yung kuwento na mala-Romeo and Juliet ay naka-intact pa rin. But their love story will get even more complicated at may kakaibang twist ito kumpara sa naunang kuwento,” pahayag ng actress-director.

Nakilala na si Gina sa pagdidirek ng mga tween star. Ano ang pakiramdam niya sa love team nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez?

“May dating silang dalawa. Besides the fact na galing sila sa showbiz families, they have what it takes to be big stars basta seryoso sila at hindi magpapabaya.

“Sa ginawa kong one-on-one workshop sa kanila nakita ko na ang chemistry nila, noong una kasi wala akong maramdaman. Pero slowly may makikita ka sa kanila.

“Kaya I want them to be dedicated sa project na ito. Mahalin nila ang project kasi this will either make or break them.

“Lagi ko naman sinasabi sa mga baguhang artista ngayon na huwag silang mabulag sa popularity nila. Do not rest on your laurels dahil at the end of the day kung paano ka magtrabaho at makipagkapwa-tao ang pinakaimportante sa lahat,” sabi ni Direk Gina. 

George Clooney idinispley na ang bagong GF na abogada na, most eligible bachelorette pa

Nakita na ang bagong girlfriend ng Hollywood actor-producer na si George Clooney. Kasama niya ang British lawyer sa Berners Tavern in London, England na nagngangalang Amal Alamuddin.

Exotic daw ang beauty ni Amal at malayo sa mga naging girlfriend ni Clooney.

Sa research na ginawa ng E! kay Amal, nag-aral ito sa Oxford University at bihasa sa international law, human rights, extradition, at criminal law.

Kasalukuyang nire-represent ni Amal ang kanyang high-profile client na si Julian Assange, ang WikiLeaks founder na lumalaban ngayon sa Sweden dahil sa extradition.

Binoto rin si Amal as “the most eligible barrister bachelorette” in all of London in 2013.

vuukle comment

AMAL ALAMUDDIN

BERNERS TAVERN

BUHAY KO

DIREK GINA

GEORGE CLOONEY

JANINE GUTIERREZ

NIYA

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with