^

Pang Movies

Drama actress ni-reject ang loan application sa bangko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hanggang ngayon pala ay hindi maituluy-tuloy ng drama actress ang balak niyang ipa-renovate ang lumang bahay. May mga nakausap na siyang mga gagawa ng bahay pero nakatengga pa rin ang lahat ng plano dahil wala palang mailabas na budget ang drama actress para sa pagpapagawa.

Hindi makapaniwala ang mga nakausap ni drama actress na wala itong pera dahil very visible ito sa telebisyon ngayon. Paminsan-minsan ay may pelikula naman siya.

Pero ayon sa isang close sa drama actress, kung alam lang daw nila ang pinagdadaanan nito ay maiintindihan nila kung bakit hindi nito magawang i-prioritize ang kanyang pinapagawang bahay.

Financially ay kapos parati ang drama actress dahil sa rami ng kanyang mga binabayaran buwan-buwan. Isama na rito ang mga umaasa sa kanya na hindi nga niya mahindian.

Sinubukan daw mag-loan sa bangko ng drama actress pero hindi nila mapagbigyan ang hinihingi nitong amount, considering na kilala naman siya at madali naman siyang mahanap.

Pero very strict kasi ang bangko at kahit celebrity ay pinaghihigpitan nila pagdating sa pag-utang.

Kaya ang drama actress ay gumagawa na lang ng ibang paraan para magkaroon ng sideline bukod sa kanyang pag-arte.

Ang payo ng mga kaibigan niya na tigilan na sana niya ang pagtulong sa ibang tao. Imbes na may maipon siya, napupunta lang ito sa iba at wala pang assurance na babayaran siya.

Pero nasa nature na ni drama actress ang maging matulungin. Naniniwala siya na babalik din ang kanyang naitulong ng mas maraming beses pa.

Sa ngayon ay sakripisyo at tiis ang ginagawa ni drama actress para makaipon at maipagawa na niya ang kanilang lumang bahay.

Megan ngayon lang nanalo!

Sagad-sagad ang schedule ni Miss World 2013 Megan Young pero halos lahat naman ay napagbibigyan niya. Ganyan ka-organize ang mga tao sa likod ng Miss World Philippines at Miss World Organization.

Tulad na lang noong isang araw ay natuloy ang pagbigay ng parangal ng Kongreso kay Megan dahil sa pagdala niya ng karangalan sa ating bansa. Ibinigay sa kanya ang Medal of Distinction ng House of Representatives.

Naging parang fans day tuloy ni Megan ang naganap sa loob ng Kongreso dahil halos lahat ng mga mambabatas ay gustong magkaroon ng litrato kasama ang ating Miss World.

Nagawa na rin ni Megan ang lumibot sa Philippine General Hospital at nakadalaw na siya sa kanyang hometown sa Olongapo City. Ang Gapo ang tinamaan ng matinding outbreak ng leptospirosis noong magkaroon ng malaking baha roon.

Nangako naman si Megan na may gagawin sila sa Miss World office para makatulong sa lahat ng mga taong nagkasakit.

Papaalis na nga si Megan at sa Bali, Indonesia muna ang tungo niya. Meron din siyang ilang charity works doon tapos ay fly na siya to London, England para mag-take up siya ng residency for one year.

Nabanggit ni Megan na higit na 30 countries ang kanyang bibisitahin dahil parte iyon ng Beauty with a Purpose campaign ng Miss World. Excited na siyang mag-travel dahil hindi lang ito bakasyon kundi pagtulong at pagbibigay din ng pag-asa sa maraming tao.

Nakakatuwa si Megan dahil sa isang TV interview  ay nasabi niya na kahit noon pa ay never siyang na­nanalo ng kahit ano.

Noong bata siya ay hindi siya nanalo sa Miss SBMA na ikinalungkot niya. Sumali siya sa dalawang reality shows pero luhaan pa rin siya. Kahit sa mga raffle ay hindi siya sinusuwerteng manalo.

Feeling niya ay malas siya pero ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit dahil inilaan pala sa kanya ng Diyos ang titulong Miss World at buong taon siyang magbibigay ng tulong sa maraming tao sa mundo.

Macaulay Culkin lumutang, malusog na at may pelikula pa

Nagpakita na sa publiko ang dating child actor na si Macaulay Culkin na noon ay nabalitang may matinding karamdaman.

Nagpakita ang former star ng Home Alone sa New York Comic Con kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Seth Green, Breckin Meyer, at Matthew Senreich.

Kasama si Culkin sa pelikulang Robot Chicken na isa siya sa mga boses roon.

Mas mukha raw malusog na si Culkin ngayon kumpara sa una siyang nakita noong 2012 na payat na payat at balitang may matinding drug problem. Pero pinabulaanan iyon ng dating child star.

Ang huli pa niyang pelikula ay Saved noong 2004. Nang tanungin siya ng isang fan kung saan siya nagtago ng ilang taon, ang sagot niya ay “Hiding under a rock somewhere.”

 

vuukle comment

ACTRESS

DAHIL

DRAMA

MACAULAY CULKIN

MEGAN

MISS WORLD

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with