^

Pang Movies

Maricel at Eugene biglang miyembro ng mutual admiration club

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Happy ang fans ni Maricel Soriano na after ng ma­tagal nilang paghihintay, muli nilang mapapanood sa big screen ang kanilang idolo sa pamamagitan ng Momzillas with best friend Eugene Domingo. Ang maganda, sa pagbabalik ni Maricel ay comedy agad ang ibinigay sa kanya ng Viva Films at Star Cinema at sa direksiyon ng paborito nilang direktor, si Wenn Deramas. Sa story, magkaaway sila dahil sa mga anak nila, si Maricel ay protective mother ni Billy Crawford at si Eugene naman ay ipaglalaban ang anak na si Andi Eigenmann.

Pero off-camera, masaya lagi ang paligid dahil sa pagpapatawa ng dalawang actress at kapag take na, perfect ang timing nila sa pagpapatawa. They are the best of friends at member sila ng mutual admiration club. Puro magaganda kasi ang sinasabi nila sa isa’t isa. 

Kaya ngayong Wednesday, Sept. 18, hindi na kami magtataka kung pipilahan ng mga tagahanga nila ang nationwide showing ng Momzillas.

Kristoffer at Elmo hindi pinag-uusapan si Julie Anne

Masaya si Kristoffer Martin na after ng Kakambal ni Eliana, may follow-up project na siya agad, at sa primetime pa, ang Kahit Nasaan Ka Man na siyang papalit sa Anna Karenina na magtatapos na sa Friday, Sept. 20. Pero ikinagulat ng young actor na siya na pala ang leading man ni Julie Anne San Jose. Ang alam kasi niya, ka-love triangle siya nina Julie at Elmo Magalona pero ngayon ang ka-love triangle nila ay si Lucho Ayala. 

Hindi ba siya nag-aalala na baka magalit sa kanya ang diehard fans ng love team nina Julie at Elmo?

“Meron na nga pong nagagalit. May nag-post naman sa Twitter na manonood lang sila dahil kay Julie,” kuwento ni Kristoffer. â€œPero hindi ko na sila sinasagot, ayaw ko silang patulan. Friends po naman kami ni Elmo at madalas kaming maglaro online, nagkakausap kami pero hindi namin pinag-uusapan ang pagtatambal namin ni Julie. Sa akin po naman, what’s important, may bago akong trabaho at may bago rin akong ka-love team.

Eight weeks lamang ipalalabas ang Kahit Nasaan Ka Man na magsisimula sa Lunes, Sept. 23, after 24 Oras sa direksiyon ni Gil Tejada.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANNA KARENINA

BILLY CRAWFORD

ELMO

ELMO MAGALONA

EUGENE DOMINGO

GIL TEJADA

JULIE

KAHIT NASAAN KA MAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with