^

Pang Movies

Vic inisnab ang first birthday party ng anak ni Pia

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala sina Vic Sotto at Pauline Luna sa birthday party ng anak ni Pia Guanio kamakailan. Pero present ang ibang Dabarkads ng Eat Bulaga gaya nina Ruby Rodriguez kasama ang anak na si AJ; si Julia Clarete at anak nitong si Beans; si Paolo Ballesteros with his princess, Keira.

Kasama naman ni Eileen Macapagal, misis ni Joey de Leon, ang kanilang tatlong anak. Kasama ni Michael V. ang misis niya at dalawa nilang anak, sina Migo at Maypaul.

Dating girlfriend ni Vic si Pia noon at nang bigla itong magpakasal kay Steve Mago, hindi na sila nag-usap mula noon. Hindi yata ma-take ni Bossing na ipinagpalit siya ni Pia sa ibang lalaki.

Masaya si Pia sa first birthday ng anak nila ni Steve na si Scarlet Janine Mago na mala-carnival ang motif.

Isabel at John, kasal na lang ang kulang

“Wifey” at “hubby” ang tawagan nina Isabel Oli at John Pratts sa isa’t isa kahit seven months pa lang ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Sabi nila, magiging husband and wife na sila kung sakali. Pero wala pang marriage plans sila.

“Gusto pa naming namnamin ang relationship,” sabi ni Isabel.

Malaki raw ang na-improve sa personality niya mula nang maging boyfriend niya si John. Ganun din daw si John sa kanya.

Raymart wala raw kinalamansa bumagsak na career ni Claudine

Parang hindi kami makapaniwala na si Raymart Santiago raw ang dahilan kung bakit hindi na umalagwa ang career ni Claudine Barretto, batay sa sinabi ng nanay ng aktres.

Si Claudine lang ang dahilan kung bakit walang kumukuha sa kanya. Tumaba siya at hindi na inalagaan ang katawan matapos manganak. Nagsipagda­tingan ang mga mas bata at mga magagandang aktres at magagaling pang umarte kaysa sa kanya.

Aral sa kanya ’yan dahil reyna na siya sa ABS-CBN, sukat bang lumipat-lipat pa sa GMA 7?!

Hindi naman pinagbawalan si Claudine ni Raymart na magpatuloy sa kanyang career. Questionable pa nga itong balitang kinukuha raw siya ng Dos muli at gagawa ng pelikula sa Star Cinema. Drawing lang ang lahat pala!

 

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

EAT BULAGA

EILEEN MACAPAGAL

ISABEL OLI

JOHN PRATTS

JULIA CLARETE

KASAMA

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with