^

Pang Movies

Mga lumang tren nagmukhang bago sa OTJ

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Ang lakas ng dating ng On the Job (OTJ) at tunay ngang maipagmamalaki natin ang buong cast at takbo ng kuwento nang idinirek ni Erik Matti hanggang sa ibang bansa.

May commercial appeal ang OTJ dahil sa mga aktor na kinuha pero hindi na ‘yun mahalaga kung sa international market ipapalabas dahil wala namang nakakakilala sa kanila. Ang mahalaga ay napanatili ang sinseridad ng pelikula na hindi na kailangang plantsahin para lang maging kaaya-aya.

Tama nga, mainstream film ito dahil hinawakan ng Star Cinema pero kasing laya naman ng independent movie ang atake. Matapang at walang pakialam sa masasagasaan. Bato, bato sa langit na lang, ang tamaan ay ’wag magalit. Minsan lang dumaan ang ganitong pelikula at sa purong action flick pa.

Dahil siguro Pinoy action movie nga, litaw na litaw ang machismo ng mga kalalakihan at nagsilbing palamuti at sex object lang ang mga kababaihan. Maliban siguro kay Vivian Velez na hindi rin naman natutukan ng buo ang mukha at katawan maliban na lang sa unang ipinakitang assignment kina Joel Torre at Gerald Anderson. Pero siya na ang maituturing na pinaka-astig sa female cast bilang Ma’am Thelma, ang tagabigay ng order sa mga presong hitman kung sino ang itutumba.

Ikalawa kay Vivian ay ang mabungangang karakter ni Rosanna Roces na napakaiksi ng eksena pero malakas ang dating.

Ang maganda, kahit brusko ang mga pulis at kriminal, nilagyan ng kirot o drama ang kanilang buhay. Hindi madaling hulaan ’yung ending ng samahan nina Tatang (Joel) at Daniel (Gerald) at ‘yung kalbaryo ni SPO1 Acosta (Joey Marquez) sa kanyang adik na anak (JM de Guzman). Mararamdaman ng manonood ang sakit at totoong emosyon ng mga karakter.

Kung halos balewala lang ang mga eksena ni Atty. Francis Coronel, Jr. (Piolo Pascual), na isang matinong empleyado ng National Bureau of Investigation, sa gitna ng istorya ay hindi naman aasahan ang sasapitin niya sa bandang huli at iyon ang nagsalba sa aktor sa pinili o natoka sa kanyang role.

Ang medyo predictable lang ay ’yung pagbuwelta ni Tatang sa nangangaliwa niyang misis na magaling na ginampanan ni Angel Aquino pero hindi binagayan ng pagmumura.

At speaking of murahan, hindi yata natutukan na bantayan ang istilo ng mga pagmumura nila. Pare-pareho halos ang klase ng murang ginamit — kung hindi puta ay P.I. — na parang naging ordinaryong expression na lang. Wala na bang ibang mas masakit sa tenga?

Ang aktor ay aktor kahit gaano kaiksi ang maibigay na role. Maipagmamalaki ang ginawa nina William Martinez, Lito Pimentel, at kahit si Michael Flores.

Expected na ang galing nina Michael de Mesa at Leo Martinez. Magtataka pa tayo kung sumablay sila.

Mabuti at ginamit ng production ang mga tren dahil pangdagdag thrill iyon. At iyon ang naging kaibahan ng OTJ sa ibang nagawang modernong action films. Common na kasing mapanood ang mga kalye ng Escolta, Binondo, at ilang bahagi ng Intramuros at Pier area kaya kahit ginamit pa rin ito ni Direk Erik ay nagmukhang bago na rin dahil nga may LRT scene.

At sa huli, marapatin ninyong personal kong purihin, ang pinakamaganda ay ang paglalapat ng musika o original soundtrack sa OTJ. Naisama ang mga kanta nina Dong Abay, Francis Magalona, at marami pang iba. Kulang sa kabog at hindi maiintindihan ang emosyon ng pelikula kung wala ’yung inilagay na musical score na pawang gawang Pinoy. Lalong nakaastig!

vuukle comment

ANGEL AQUINO

DIREK ERIK

DONG ABAY

ERIK MATTI

FRANCIS CORONEL

FRANCIS MAGALONA

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with