^

Pang Movies

Malayo sa ginagawa ng aktres kay Raymart: Sherilyn kinontra ang pangdadamay ni Claudine, relasyon sa ex-husband na Santiago maayos at may respeto

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagulat na lang  si Sherilyn Reyes nang i-namedrop siya ni Claudine Barretto sa pagpapa-interview niya tungkol sa galit niya sa pamilya ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Dati kasing kasal si Sherilyn sa kapatid ni Raymart na si Jun-Jun Santiago pero matagal na nga silang naghiwalay at may kanya-kanya na silang buhay ngayon.

Ikinasal nga lang si Sherilyn last December sa kanyang longtime boyfriend na si Chris Tan at meron siyang dalawang anak. May isang anak naman si Sherilyn kay Jun-Jun na si Paoei na mag-aartista na rin sa bakuran ng ABS-CBN.

Sabi ni Sherilyn, nagkaroon man ng hiwalayan ay nananatili ang respeto niya sa pamilya ng kanyang ex-husband. Naging mabait daw sa kanya ang mga ito. Marami lang silang hindi napagkasunduan ng ama ni Jun-Jun.

Ngayon ay maayos naman ang relasyon ng aktres sa kanyang ex-husband. ‘Yung pagpasok nga raw sa showbiz ng anak nila ay may blessing ni Jun-Jun. At hindi siya gumagawa ng desisyon para sa kanyang panganay na hindi alam ng ama nito.

Ayaw madamay ni Sherilyn sa anumang gulo na nangyayari ngayon sa pagitan nina Claudine at ng mga Santiago. Basta siya ay walang problema sa mga ito at maayos ang communication ng anak niya sa ama nitong si Jun-Jun.

Krista dawit hanggang sa demanda ni Sunshine, pinangangatawanang hindi other woman ni Cesar

Nakikiusap ang starlet na si Krista Miller na huwag na siyang idamay sa anumang kaso na isinampa ni Sunshine Cruz sa estranged husband nitong si Cesar Montano. Nabanggit kasi ang name ni Krista sa isang affidavit ni Sunshine na nai-file nito bilang reklamo sa aktor. Ito ay ang pagiging babaero diumano ng hiniwalayang asawa na nagdulot daw ng emotional and physical stress sa aktres.

Though hindi naman makakasuhan si Krista, worried pa rin siya dahil muli na namang nabuhay ang intriga sa kanila ni Cesar at nais na niyang mag-move on na. Kung tutuusin ay wala ngang nangyayari pa sa kanyang showbiz career dahil negative ang image niya sa publiko.

Ipinagpilitan pa rin ni Krista na wala siyang kinalaman sa hiwalayan ng dalawa at hindi siya naging “other woman” ni Cesar. Bilang babae raw ay naiintindihan niya ang pinagdaraanan ni Sunshine. Masakit daw isipin na mauuwi pa sa demandahan ang matagal na nilang pagsasama.

Tinanong nga siya kung sakaling makasalubong niya si Sunshine, ano ang gagawin niya?

 â€œGusto ko siyang yakapin. Pero baka sampalin lang niya ako. Kaya iiwas na lang ako!” natatawang pagtatapos ni Krista.

vuukle comment

CESAR MONTANO

CHRIS TAN

CLAUDINE BARRETTO

JUN

JUN-JUN

JUN-JUN SANTIAGO

KRISTA

KRISTA MILLER

NIYA

SHERILYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with