^

Pang Movies

Kaya hindi gaanong kilala mga nanalo sa reality show binuro muna bago binigyan ng programa

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

May kabagalan kumilos ang isang network. Ma­tagal na kasing nagwagi sa kanilang mga reality ta­lent search pero matagal pa bago mabigyan ng break upang mailunsad ang career ng kanilang winners.

Kaya kapag biglang lumitaw muli sa eksena at gagawing bida sa mga TV show, ang mga tanong ng televiewer: Cynthia? Simeon? Nakalimutan na kasi nila kung saan galing ang mga bagong (actually, naluma na) bituin.

Dapat sa mga TV network, aksiyon agad. Pagkapanalo, maraming TV guestings. Mainstay na sa isa o dalawang shows. Kung babagal-bagal, hindi pa man nabibigyan ng assignment ay kumupas na agad!

Young actor pinipilit tumestigo sa malaking kaso na sangkot ang ex-GF

Isang dating young actor ang takot na takot. Pinipilit kasi siya ng isang co-actor na tumestigo sa isang malaking kaso, laban sa isang dati niyang steady.

Umiiwas na ang potential witness at hindi na sinasagot ang mga tawag at text sa kanyang cell phone. Say niya to people close to him, maganda naman ang pinagsamahan nila ng dating girlfriend kaya hindi siya papayag na ipahamak ang minsan niyang minahal.

Kung talagang ayaw mo, huwag kang pa-pressure. Hindi ka naman mapipilit except siguro kung mag-offer sa iyo ng malaking halaga!

Oprah matunog sa Oscars

Lumilitaw na ang potential nominees sa 2014 Oscar Awards. Ngayon pa lang ay matunog na ang pangalan ni Oprah Winfrey sa best supporting actress derby. Impressed ang marami sa kanyang performance sa The Butler, as Gloria Gaines, misis ng lead character.

Minsan nang naging finalist sa same category si Oprah, in The Color Purple, 1986, pero hindi siya nagwagi.

Si Forest Whitaker na gumanap ng Cecil Gaines ay posibleng maging finalist as best actor.

Kailan kaya mauulit na isang Pinoy ar­tist, tulad ni Lea Salonga, ay mag-perform sa Oscars? Matagal na ’yon at hindi na nasundan ang nasabing rare distinction para sa ating mga kababayang artista.

Juana Change mabigat para sa masa, pelikula ’di na nasundan

After naipalabas ang first starring role movie ni Juana Change o Mae Pa­ner ay tila naglaho na siya sa eksena. Akala pa naman natin merong sisikat na rival si Eugene Domingo, sa kategorya ng mga komedyanang may utak.

Tila nabigatan ang mga moviegoer sa first lead vehicle ni Juana kaya hindi kinagat ng masa. Sana mabigyan uli siya ng chance sa isa pang full length.

Himala ni Nora tinalbugan, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ‘greatest Filipino film’ ng Toronto filmfest

Tiyak magpo-protesta na naman ang Noranians. Sabi kasi sa write-up ng Toronto International Film Festival, ang Maynila sa mga Kuko ng Liwanag ni Lino Brocka ang ‘‘greatest Filipino film of all time.”

Ano kaya ang masasabi ng Billboard na unang nagbigay ng ganitong distinction sa Himala ni Ishmael Bernal?

Well, kanya-kanyang taste naman ang panonood ng sine. May mga kritiko nga hanggang langit kung purihin ang ibang pelikula pero isinusuka naman ng masa.

Ricky Reyes tuloy sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga parlorista

Isa sa pinakamasipag na celebrities si Ricky Reyes. Tuloy pa rin ang kanyang Fil-Hair Coop na every year ay may timpalak sa make-up and hairstyling. Karamihan sa mga winner nito, maunlad ng beauty parlor owners all over the country.

Tuloy pa rin ang Isang Gunting, Isang Suklay program ni Ricky na may outreach program sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Nagkaroon ng malakas pagkakitaan ang mga kababayan nating nagtapos sa self-help project ni Mother Ricky.

CECIL GAINES

COLOR PURPLE

EUGENE DOMINGO

ISANG

JUANA CHANGE

RICKY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with