^

Pang Movies

TV host na kinuha, kasing maldita ng TV host na pinalitan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Maraming tauhan ang nag-resign sa isang show nang malaman nilang ang isang celebrity ang magiging host. Katwiran nila ay alam nila kung paano magtrabaho ang ipinalit na host at sari-saring kuwento na ang naririnig nila sa pagiging sumpungin nito.

Kaya kesa naman sa mag-adjust pa sila ulit, umalis na lang sila para walang maging problema.

“Matagal ang tiniis namin sa dating host ng show. Nagawa na nga naming maging manhid sa style ng trabaho niya. Kumbaga, nakasanayan na namin.

“Pero ang mag-adjust pa ulit sa bagong host, ayaw na namin. Torture na itong ginagawa nila sa amin. Kaya habang maaga, umalis na kami. Mahirap na ‘yung may makatrabaho ka tapos magka-clash lang kayo parati.

“Tama na ‘yung experience namin sa una. Ayaw na na­ming pumangalawa,” reklamo ng source.

Mabuti na nga lang at nakaalis na ang source namin sa nasabing show dahil dusa talaga ang inaabot ng mga naiwan ngayon at ang mga pumalit sa kanilang mga umalis.

Sa isang staff meeting daw ay naglitanya ng mahaba ang TV host dahil walang natutuloy sa mga dapat na isu-shoot na mga episode niya. Tulad nga ng isang TV personality na biglang nag-backout nang malaman na si TV host na ang gagawa ng interview.

Naimbiyerna si TV host dahil pakiramdam niya ay hindi nagtatrabaho ng maayos ang kanyang staff kaya noong meeting ay tumalak na.

“Grabe raw kung tumalak. Kulang na lang magmura siya kaso hindi niya kayang magmura or else may magrereklamo sa kanya.

“Basta pinapangalandakan niya na siya ang host ng show. Kailangang maayos lahat ng episodes niya. Ayaw na niyang makarinig na may nagba-backout sa kanya. Gawan daw ng paraan at huwag siyang bigyan ng sagot na ‘wala’, ‘hindi puwede’ o ‘ayaw nila’.

“Ganyan siya kung mang-terrorize kaya good luck kung may maiwan pang staff sa show niya,” dagdag na kuwento pa ng source.

Mrs. Burgos napabilib ni Lorna kahit si Nora ang gusto

Hindi pala si Lorna Tolentino ang original na gusto ni Mrs. Edita Burgos na gumanap sa kanya sa pelikulang Burgos ni Direk Joel Lamangan.

Si Nora Aunor pala ang unang napili ni Mrs. Burgos at pumayag na raw ito. Pero noong magsisimula na ang shooting ay hindi na pumuwede si Nora kaya ibang aktres na lang ang pinili ni Direk Joel para magbida.

Laking-gulat ni Mrs. Burgos nang mapanood niya si Lorna sa pelikula at kuhang-kuha raw nito ang mga kilos at pati pananalita niya.

“I know she’s a very good actress and every time we meet she observes me. But when I saw the rushes at first, nagulat na ako. Even the smallest nuances, my mannerisms like the way I hold my glasses, nakuha niya. I didn’t realize ganun pala ako.

“Then during the screening of Burgos at the Cinemalaya pati boses ko nagaya niya. My eldest daughter told me, ‘Mom, that’s you!’ She really went into character. For me, that’s a really professional thing to do,” pagkukuwento ni Mrs. Burgos.

Noong magkausap sila ni LT sa unang meeting nila ay nalaman niya na pareho ang mga bagay na gusto nila.

“She has a very strong foundation in her faith in God. I admire people in the entertainment industry who are like that,” sabi pa ng ginang.

 

vuukle comment

AYAW

BURGOS

DIREK JOEL

DIREK JOEL LAMANGAN

HOST

KAYA

LORNA

MRS. BURGOS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with