^

Pang Movies

Solenn bidang-bida sa lingerie line pero formal gown ang isinuot

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Si Solenn Heussaff ang pinakabagong endorser ng Bench sa inilabas nilang isang panibagong linya ng lingerie pero noong kanilang launching ay hindi nakita ang Fil-French model-actress na suot ang mga iyon. Sa halip ay may mga magagandang model na siyang pinagsuot ng lingerie line at si Solenn ay dalawang magkaibang formal gowns ang ginamit sa presentation na tumagal ng kalahating oras lamang.

Kumanta rin ng ilang awitin si Solenn at ang mga model nga ang nagkaroon ng fa­­shion show sa basement ng Bench Tower na nagawa nilang parang theater talaga at may revolving stage pa.

“Nakita mo na ang nagawa na­min?” pagmamalaki pa ni Jojo Diamson ng Bench doon sa kanilang venue.

Talaga namang impressive kasi iyon. Kumpleto pati ng stage curtains na aakalaing mga telon ng mga sikat na show club sa Las Vegas, Nevada. Napaka-class ng dating ng lugar ng Bench Tower at talagang humanga kami dahil just a few weeks before ay bare pa nga ang nasabing lugar kung saan naman nila inilagay dati ang mga exhibit ng kanilang ads at pictures ng kanilang models through the years.

Talagang naghahanda na ang kumpanya para sa mas malalaki pang events na mangyayari dahil sa buwang ito ay darating din sa Pilipinas, bilang bahagi ng kanyang endorsement, si Taylor Lautner na magkakaroon pala ng isang malaking Fans’ Day sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tiyak na kayang punuin iyon ni Lautner. Kung napuno iyon ni Lee Min Ho, palagay namin ay mas dodoble pa ang mga tao sa pagdating ni Jacob ng Twilight sa ating bansa.

Nagkakatawanan nga pagkatapos dahil muk­hang talagang nalaos ang ibang foreign stars na dinala rin dito ng ibang garments company dahil hindi na halos sila napansin. Ang Fans’ Day nila ay sa isang maliit na venue lang at hindi pa napuno, samantalang ang malalaking stars talaga ay nasa Bench.

Gov. Vilma uunahin ang serbisyo kesa rumampa sa int’l filmfests

Bagama’t sinasabi ng kanyang mga producer na gusto nilang isama si Gov. Vilma Santos sa mga film festival sa abroad na sasalihan ng kanyang indie film na Ekstra: The Bit Player, mukhang hindi naman siya makakasama talaga dahil sinasabi nga niyang ang priority niya ay ang lalawigan ng Batangas. Ayaw niya nang aalis siya nang matagal dahil napakaraming proyekto pa ang kailangan niyang tapusin sa natitirang tatlong taon niya bilang gobernador.

Nilinaw din nila na hindi totoong kasosyo si Ate Vi sa Ekstra. Kaya nga lang dahil ayaw naman niyang masira ang kanyang rate, dahil hindi naman siya puwedeng sumingil ng kanyang ta­lent fee sa isang peliku­lang indie, hindi na lang siya nagpabayad. At sina­sabi nga ng producer ng Ekstra na si Atty. Joji Alon­so na bilang ganti na lang sa kanya kaya inilagay ang pangalan niya bilang executive producer ng pelikula pero hindi talaga sumosyo si Ate Vi.

Excited pa rin ang actress-politician sa paglalabas ng kanyang pelikula sa commercial theater circuits next week dahil siyempre inaasahang magiging malaking hit iyon after Cinemalaya Independent Film Festival.

Kaya pala sanay na sanay na, female celebrity kumabit na sa congressman

Kaya naman pala mukhang matindi ang ginawa ng isang female celebrity na kontrobersiyal ngayon ay dahil talagang matitindi na rin ang kanyang naging mga karanasan niya in the past.

Isipin n’yo na naging girlfriend pala siya ng isang da­ting congressman? Kaya pala naman parang sanay na sanay na.

ANG FANS

ATE VI

BENCH TOWER

BIT PLAYER

DAHIL

EKSTRA

KAYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with