^

Pang Movies

Alma Concepcion nag-aral ng iba’t ibang kurso nang tumaba

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masayang-masaya si Alma Concepcion sa magagandang reviews na natatanggap ng pelikulang kinabibilangan niya sa Cinemalaya Independent Film Festival na Babagwa (The Spider’s Lair).

Ginagampanan ng actress-beauty queen ang isang mayamang babae na na-in love sa kanyang online scammer played by Alex Medina. Matagal na hindi nakagawa ng pelikula si Alma, siyam na taon na, at puro sa TV na lang siya lumalabas. Noong 2004 pa ang huli niyang pelikula.

“Hindi ko na matandaan ang title. Gano’n na siya katagal. It’s just great to be back again acting on the big screen. Puro mga TV series ang ginagawa ko. The last one I did was Pintada for ABS-CBN.

 â€œNgayon, I’ve finished another movie titled Kaleidoscope World. It’s a movie giving tribute to the late Francis Magalona,” balita ni Alma.

Inamin ng aktres na she struggled with baby weight noong manganak siya sa kanyang one and only son na si Cobie, now 13 years old.

 â€œIt took me four years para maibalik ko ang dating beauty queen figure ko. Kaya habang nagpapapayat ako I decided to return to school. Marami na akong natapos na courses. The latest is interior design and I will be graduating this year.

 â€œMay mga itinayo rin akong negosyo. Partners ko ang ibang friends ko,” sabi ni Alma..

Available na uli siya kasi two years na siyang hiwalay sa kanyang businessman boyfriend na nakarelasyon niya for four years.

 â€œThings didn’t work out. Hindi pala guaranteed na porke’t matagal na kayo you will both end up together in the end. Pang-fairy tale lang pala iyon.

 â€œPero nakakapanghinayang kasi we were supposed to get married na. May napagawa na kaming house. Then things got complicated. We decided to part ways pero friends naman kami. ‘Yung marital home sana namin binenta na lang.

“Happy naman ako being single and now nagbabalik ako doing movies. Mas okay ngayon ang buhay ko,” sabay smile ni Alma.

Slapshock pumirma sa Jeepney Music label ni apl.de.ap

Sa tinagal-tagal ng pagiging banda ng Slapshock ay patuloy pa rin silang nabibigyan ng big break. Kamakailan ay pumirma pa sila ng bagong recording contract sa Jeepney Music na record label ni apl.de.ap.

Sixteen years nang kilala ang Slapshock bilang hari ng rap metal dito sa Pilipinas at naka-pitong album na sila sa ilalim ng EMI-PolyEast. Pero ngayon pa lang sila magkakaroon ng isang internationally-released album sa tulong nga ng Pinoy member ng Black Eyed Peas.

Ayon sa frontman ng Slapshock na si Jamir Garcia, nakatulong ang pagiging matagal nilang magkaibigan ni apl.de.ap.

Madonna at Lady Gaga kakasuhan sa Russia sa paggamit ng cultural exchange visa nang mag-concert

Mukhang mahaharap pareho sina Madonna at Lady Gaga sa isang kaso dahil sa ginawa nilang pag-violate sa terms ng kanilang visa nang pumasok sila sa bansa ng Russia.

Nabigyan ng visa ang dalawang pop singers pero para ito sa “cultural exchange” at hindi para gumawa ng anumang commercial activity tulad nang pag-perform sa isang concert. Si Madonna ay noong August 2012 nag-concert at si Lady Gaga ay December 2012 naman.

Kino-consider ng prosecutors na mag-press ng charges sa dalawang singers through their Ministry of Foreign Affairs or sa Federal Migration Service.

Pinaiimbestigahan na ang kaso mula sa ginawang complaint ni Vitaly Milonov, isang legislator ng St. Petersburg, na nag-accuse kina Madonna at Lady Gaga for performing sa kanilang bansa without the proper paperworks. Mahigpit na kasi ang Russian sa mga pumapasok na foreign artist.

 

vuukle comment

ALEX MEDINA

ALMA CONCEPCION

BLACK EYED PEAS

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

FEDERAL MIGRATION SERVICE

FRANCIS MAGALONA

JEEPNEY MUSIC

LADY GAGA

SLAPSHOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with