^

Pang Movies

Male celebrity sobra ang libog sa katawan, hindi na nagsawa sa kakapanood ng porno at pag-uuwi ng mga pick-up girl

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May hindi magandang bisyo ang male celebrity at binuking ito ng kanyang dating driver na sa iba na nagtatrabaho ngayon. Sabi ng driver, lulong sa panonood ng porno movie ang kanyang amo.

Tuwing break time pala sa taping nito, laging nasa van niya ang amo at nanonood ng mga malalaswang pelikula mula sa mga porn site. Pinapabantay siya sa labas ng van. Kapag tinanong kung nasaan siya, sabihin lang daw na tulog. Pero ang totoo ay inuubos ang kanyang lakas sa pagpapanood ng porn.

Sa kuwento ng driver, minsan pa ay may kakaibang amoy ang loob ng sasakyan kapag nasa loob ang kanyang amo at busy sa pinapanood nito. Kaya panay ang spray ng driver ng disinfectant sa van dahil sa mga bakas na iniiwan ng kanyang amo.

Minsan naman ay hindi kuntento ang kanyang amo sa mga porn site kaya pinapabili pa siya ng mga pira­ted DVD na triple X. Isang malaking container na raw ang porn collection ng male celebrity at hindi nagsasawang manood pauli-ulit.

Ang pagiging manyakis nga ang dahilan kung bakit nag-resign na lang ang naturang driver. Bukod kasi sa pagiging salaula nito sa sasakyan, mahilig pa raw mag-uwi ng kung sinu-sinong babae ang amo niya na napi-pick up nito sa mga bar.

 â€œHindi ako magtataka kung balang-araw ay magkaroon na ng sakit ang taong ‘yan. Sobra ang kalibugan niya sa katawan! Magpatingin na nga siya sa doktor habang maaga,” giit pa ng driver.

Megan hindi makapaniwalang kasali sa Miss World

Hindi makapaniwala si Megan Young na isa na siyang opisyal na kandidata ng Miss World Philippines 2013.

Ni-launch sa Solaire Resort & Casino ang official candidates ng Miss World Philippines at candidate number 20 si Megan.

Marami ang nagulat sa kaseksihan ni Megan nang rumampa ito na suot ang official two-piece swimwear ng contest.

Say ni Megan na first time niyang gawin iyon at nilakasan na niya ang kanyang loob sa pagrampa.

 â€œKinabahan talaga ako kasi never n’yo naman ako nakitang nagsuot ng ganitong swimwear, ’di ba? It’s always one-piece at minsan bikini top lang at sarong tulad ng mga suot ko sa Misibis Bay.

“This time kailangan kong gawin ito and I’ve gathered enough confidence para magawa ko. Okay naman pala especially if you know that you have people to support you in this competition,” paliwanag ng young actress.

Hindi na naghintay si Megan para sumali next year kaya marami siyang isinakripisyong mga trabaho sa showbiz para sa pagsali niya this year.

 â€œMatagal ko nang dream to join a beauty pageant and I feel that this is the right time,” ngiti ni Megan.

Sa Aug. 18 na ang coronation night ng Miss World Philippines at magaganap ito sa Solaire Resort & Casino.

Kristen ng Twilight nakipagmurahan sa humahabol na photographer

Nalagay sa alanganin ngayon ang Twilight star na si Kristen Stewart dahil sa kanyang pakikipagtalo sa isang paparazzo.  Nagpakita ang sikat na Hollywood star ng galit habang kinukunan siyang pinapasyal ang kanyang aso sa Los Angeles, California.

Sinigawan nito ang photographer: “You don’t deserve to breathe the same air!”

Nagtago si Kristen sa likod ng mga basurahan habang hinihintay niya ang kanyang kotse na dumating.

Nakipagsagutan sa kanya ang paparazzo at tinanong siya: “Why are you saying f**k off?”

Sinagot siya ng Hollywood actress, “Because you’re a piece of s**t!”

Tinawag pa niyang “f**k face” ang paparazzo nang tangkain nitong magtanong tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Robert Pattinson.

 

 

vuukle comment

KANYANG

KRISTEN

KRISTEN STEWART

LOS ANGELES

MEGAN

MISS WORLD PHILIPPINES

SOLAIRE RESORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with