^

Pang Movies

Venus at Shamcey magkaiba ang kapalaran sa lalaki

Pang-masa

MANILA, Philippines - Makikipagprangkahan kay Anthony “Tunying” Taberna tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig sina Venus Raj at Shamcey Supsup ngayong Huwebes (Hulyo 25) sa Tapatan ni Tunying.

Pareho mang itinuturing na iconic beauty queens ng makabagong henerasyon sina Venus at Shamcey dahil sa magkasunod nilang pagkakasungkit ng runner up titles sa pinaka-prestihiyosong Miss Universe, naging magkaiba naman ang takbo ng buhay ng dalawa, lalo na sa kani-kanilang love life.

Engaged na ang Miss Universe 2011 third runner up na si Shamcey sa kanyang nobyong Filipino-Chinese ng dalawang taon na si Lloyd Lee. “Naghintay ako ng tamang panahon at pumasok lamang ako sa relasyon dahil alam kong handa na akong mag-settle,” sabi ni Shamcey.

Naging labis pa ang kaligayahan ng mag-nobyo dahil buong-pusong tinanggap ng konserbatibong pamilya ni Lloyd si Shamcey kahit hindi siya Chinese. 

Samantala, kaiba kay Shamcey, biglang nagbago naman ang masayang buhay-pagibig ni Venus nang putulin ng Miss Universe fourth runner up ang isang taon niyang relasyon sa TV host na si Andrei Felix noong Mayo. Nagkaroon ng mga haka-haka noon na tutol ang pamilya ni Venus sa kanilang relasyon kaya sila naghiwalay.

 â€œUmabot kami sa point na nag-away-away kaming magkakapatid. Pinapapili ako ng mga kapatid ko, sila o siya. Mas pinili ko siya. Hindi kami nag-usap ng mga kapatid ko for a few months. Na-miss ko ang pamilya ko,” pagkukumpirma ni Venus.

Ipapasilip din ni Shamcey sa mga manonood ang paghahanda sa nalalapit niyang kasal, habang bubuksan naman ni Venus ang pinto ng kanyang condo unit at ipinatayong bahay sa Bicol. Sasagutin din ni Venus ang mga kontrobersya tungkol sa kanyang career partikular na ang pagkawala niya sa Umagang Kay Ganda at ASAP bilang host.

Tutukan ang Tapatan ni Tunying (TNT) na naghahatid ng mga matapang na tanong at diretsahang sagot ngayong Huwebes (Hulyo 25), 4:15 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

vuukle comment

ANDREI FELIX

HULYO

HUWEBES

KAPAMILYA GOLD

LLOYD LEE

MISS UNIVERSE

SHAMCEY

SHAMCEY SUPSUP

TAPATAN

TUNYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with