Karylle at Yael, bokya sa P1M ng Philpop
MANILA, Philippines - Hindi man nabokya ang magdyowang Karylle at Yael Yuzon sa katatapos na PhilPop Music Festival grand finals last Saturday, pareho naman silang luhaan sa grand prize na P1M bilang interpreter ng dalawa sa 12 finalists.
People’s Choice Award ang kinanta ni Yael na Segundo mula sa komposisyon ni Paul Armesin habang ang Sa ‘Yo Na lang na kinanta ni Karylle ay pumasok sa Top 5 songs. Hindi nga lang ito pinalad makuha kahit second or first runner up na napunta sa Pansamantagal ni Jungee Marcelo at Kung Di Man ni Johnroy Danao.
Ang grand prize winner ay ang Dati na likha nina Tyro at Yumi na ang nagbigay-buhay ay sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos.
Buti na lang at wagi ang song na may kilalang interpreter, huh!
Patama sa kampo ni Sarah Lahbati ni Atty. Gozon
“Like client, like lawyerâ€
Hindi masisisi si Attorney Annette Gozon-Abrogar kung magbuga ng galit sa lawyer ni Sarah Lahbati na pinamigay sa media ang affidavit ng kliyente bago man ito maisampa sa piskalya. Isa ring lawyer ang GMA Films President kaya alam niya ang procedures sa pagsasampa ng reklamo either korte o sa piskalya.
Nakaramdam ng trial by publicity ang GMA exec dahil nauna pang lumabas sa media ang laman ng affidavit bago ito nakarating sa kaukulang tao, huh!
Hayun at naglabas ng statement ang lawyer ni Sarah at nagsabing hindi pa nasasampa sa korte o piskalya ang reklamo ni Sarah. May implikasyon pang paninisi ang lawyer sa media na nagsidatingan sa araw ng pagpunta nila sa korte.
Puwede naman kasing isinampa muna bago inilabas ang affidavit. After all, makakahingi naman ng kopya ang media sa piskalya o korte o ‘di kaya, kay Atty. Annette kung sakaling nakarating na sa kanya ang kopya ng affidavit.
Kaya naman naglabas sa kanyang Face Book account si Atty. Annette ng, “Like client, like lawyer†or something to that effect.
- Latest