^

Pang Movies

Kim napalapit na sa ahas

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Kim Rodriguez na bida ng Kakambal ni Eliana na ngayong malapit nang magtapos ang soap ope­ra ay mami-miss niya ang kasamahan nitong ahas na si Naja.

“Naging magkaibigan kami ng ahas at kilala na niya ako,” aniya.

Pinakakain nila ng daga si Naja at iba pang mga kasamahang ahas. Malaki ang natutunan ni Kim pagdating sa tamang pag-arte dahil sa break na ito na ipinagkaloob ng GMA 7 sa kanya at bida na siya agad.

Nakausap naman namin si Enzo Pineda na kapareha ni Kim. Ayon dito, may progress naman ang takbo ng kanyang career at na-extend pa ang kanyang contract sa Siyete.

“Karaniwan ng role nabibigay sa akin ay mabait at gentleman. Gusto ko naman ’yung bad guy dahil challenging at nailalalarawan mo ang ang ugali na masama,” sabi naman ng aktor na nangangarap din na magka-award.

Sa kabilang banda, may nagtanong kung tuloy pa ba ang relasyon nila ni Louise delos Reyes. Tahimik lang si Enzo dahil may pinangangalagaang ka-love team si Louise, si Alden Richards.

Nagkahiwalay ang dalawa pero balitang nagkabalikan na sila.

Kumukuha ng business management si Enzo under home study at desididong magtapos ng kolehiyo.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

AYON

ELIANA

ENZO

ENZO PINEDA

INAMIN

KAKAMBAL

KARANIWAN

KIM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with