^

Pang Movies

Sen. Grace bising-bisi na sa senado

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

It is just right for movie queen Susan Roces to be the mother of Sen. Grace Poe Llamanzares. Her daughter is only on her first month of a six-year term in the Senate, but the new lady lawmaker is already very busy.

Right now, Sen. Grace is on the process of or­ganiz­ing her own staff and office, but she will be more busy when she is appointed chairperson of a senate committee and be a member of some. She belongs to the majority, so she will have her hands full very soon.

Si Manang Inday (Susan) naman abala sa kanyang career at nakapag-taping na for Muling Buksan ang Puso, sa San Juan, Taal at ilang parte ng Batangas. ‘‘Pareho na kaming abala sa kanya-kanyang career,” she said.

Napanood namin ang ilang eksena sa Muling Buksan ang Puso at it is really the potential biggest teledrama ng ABS-CBN for 2013. Tatlong generation of stars ang kasali sa bagong soap nina Nuel Naval at Manny Palo, mga maestro ng makabagong Pinoy soap opera.

Tututukan ng mga kabataang televiewers sina Julia Montes, Enchong Dee, at Enrique Gil, sa kanilang kakaibang romansa sa Muling Buksan ang Puso. Gabi-gabing susubaybayan sina Agot Isidro, Cherie Gil, Daniel Fernando, Dominic Ochoa, at Jestoni Alarcon sa madudula at maintrigang eksena.

Siyempre palaging aabangan ang walang kupas na pagbibigay buhay sa kanilang mga naiibang papel nina Susan Roces, Dante Rivero, at Pilar Pilapil. Si Swanie nga, malaki ang pasasalamat sa ipinagkatiwala sa kanyang kakaibang character na gina­gampanan.

‘‘Ako si Adelina, isang tunay na tao,’’ masayang bida ng durable movie queen. ‘‘Masisiyahan kayo sa panonood ng iba’t ibang madramang yugto ng kanyang buhay.’’

To be premiered on July 8, inawit ni Erik Santos ang theme song at gagawa rin ng kanyang version si Lani Misalucha.

Tinanong si Mrs. Poe na matagal nang nabiyuda kay Da King, FJP kung bubuksan pa niyang muli ang kanyang puso. Sinagot naman niya na hindi naman niya kumpletong isinara ito at may konting puwang pang naiwan kahit papano. Pero deretsong sinabi niya na hindi pa ito nakatakdang mabuksan muli o kahit in the near future.

Pilar Pilapil walang pakialam kahit ipinalit lang kay Amalia Fuentes

Kahit katiting, walang insecurity ni Pilar Pilapil na second choice lang siya para gumanap na kontra­bida na originally ay intended for Amalia Fuentes in Muling Buksan ang Puso. ‘‘It was really meant for me, that’s why I am portraying it now.’’

Inamin naman ng multi-awarded actress at former beauty queen na kung minsan napapagod din siya sa pag-arte at nagbabalak mag-retire from showbiz.

‘‘I have other interests. That’s why,” she justified. “Meron akong sariling negosyo. I am also an evangelist. I am serving the Lord.’’

‘‘But when I think of the happiness given to people, everything I appear in a movie or teleserye, I am inspired and re-invigorated once again,’’ biglang buwelta ni Pilar.

Ang batikang aktor naman, laging maligaya sa paglabas sa teledrama kapag katulad nina Susan Roces at Pilar Pilapil ang kasama.

Beking talent manager ayaw nang mag-diet mas gustong may ka-sex

Naging kasing-laki na ni Tita Lilian Laing (noong buhay pa) ang isang be­king talent manager. Takot naman siyang magpahiwa ng katawan kaya umiiwas sa liposuction. Kaya uminom na lang ng very effective reducing pill.

Pumayat naman siya ng konti, pero may after-effect pala ang pagkawala niya ng ganang kumain. Pati ang kanyang libido naglaho!

‘‘Naku, ayokong maging Badang (celibada o celibate). Bata pa ako at kaaki­­t-akit (lalo ang kanyang datung). I cannot live without love (baka ibig mong sabihin sex),’’ sabi ng beking talent manager.

Kinalimutan niya ang pagre-reduce at balik sa dating katawan. Tumaba siyang muli at mukha namang higit na maligaya.

Well, hindi na kasi siya sex-starved o Badang!

AGOT ISIDRO

AMALIA FUENTES

BADANG

CHERIE GIL

KANYANG

MULING BUKSAN

PILAR PILAPIL

PUSO

SUSAN ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with