^

Pang Movies

‘Girlfriend’ ni James yap pinangalanan na?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umeksena na naman si James Yap sa social media nang i-upload niya ang picture nila ng blonde girl na umano’y nagngangalang Michelle Acazzola, ang itinuturong girlfriend na niyang Fil-Italian.

Pero wala pa ring ibi­nigay na detalye si James tungkol sa kasama niyang babae na lumabas the other day dahil wala namang caption ang nasabing picture nila sa photo sharing network na Instagram. Happy icon lang ang nakalagay.

Kanya-kanyang opi­nion na naman ang sinasabi ng mga maka-James at maka-Kris Aquino.

Maraming nang-ook­ray pero marami rin namang pumupuri dahil at ma­ligaya ngayon ang sikat na basketbolista.

Pero wait pa rin natin ang confirmation kay James kasi baka naman sabihin niya na pinangu­ngunahan natin siya.

Pagbaril sa asawa ni Daiana, walang foul play

Wala naman palang foul play sa pagbaril sa asawa ni Daiana Menezes na  si Cong. Benjo Benaldo sabi ng mga pulis, na nangangahulugan na tinangka niyang tapusin ang buhay. Pero wala pang basehan kung bakit niya ‘yun ginawa maliban sa mga ilang nagpa-interview na nag-iwan daw ito ng suicide note at halagang P100,000 sa kanyang opisina.

Nasa tabi   niya ang modelo at TV host na asawa na nakita sa mga naglabasang picture pagkatapos ng insidente.

Nasa stable na raw na kondisyon ang kongresista na natalo noong nakaraang eleksiyon.

vuukle comment

BENJO BENALDO

DAIANA

DAIANA MENEZES

FIL-ITALIAN

INSTAGRAM

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MICHELLE ACAZZOLA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with