^

Pang Movies

Totoong gf ng basketbolista hindi tisay ang hitsura, James ineeklay lang si Kris!?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mama Salve, parang ayokong maniwala na girlfriend ni James Yap ang babae na kasama niya sa picture na kuha sa Italy at nakabalandra sa kanyang Ins­tagram account.

Alam mo ba kung bakit? Nakita ko ang picture ng Filipina-Italian girlfriend ni James at ’di hamak na mas maganda siya sa babae na kasama sa picture ng ex-dyowa ni Kris Aquino.

Baka ineeklay lang ni James ang kanyang followers sa Instagram dahil kung talagang ‘yon ang dyowa niya, bakit walang caption ang picture?

Tisay na tisay ang girl na kasama ni James sa picture. Itim na itim ang buhok ng kanyang Filipina-Italian dyowa. Base sa litrato na nakita ko.

I’m sure, may gustong palabasin si Kris sa pag­hahanap niya  kay James noong Father’s Day. Alam ng lahat na nagbabakasyon si James sa Europe bago pa ginunita ang Father’s Day. Parang type ipahiwatig ni Kris sa lahat na hindi good father si James dahil hindi nito kapiling si Bimby noong Father’s Day.

May mga nagdududa na baka gusto lang ni Kris na matakpan ang isyu nang hindi niya pagpapahiram kay James sa kanilang anak na si Bimby. Ibinasura ng korte ang request ni Kris na bigyan ng Temporary and Permanent Protection Order si Bimby para hindi ito mabisita o mahiram ng kanyang ex-husband.

Hollywood actor Taylor Lautner darating sa ’Pinas

Natuwa ang Pinoy fans ni Taylor Lautner nang malaman nila na bibisita sa ating bansa ang sikat na Hollywood actor.

Si Ben Chan ng Bench ang magdadala kay Taylor sa Pilipinas dahil endorser na ng Bench ang Twilight star.

Siguradong milyones ang ibinayad ni Papa Ben para makuha niya na endorser si Taylor. Can afford naman si Papa Ben na bayaran ng milyong-milyong dolyar si Taylor dahil number one sa Pilipinas ang Bench. Ipinangako ni Papa Ben sa fans ni Taylor na darating sa bansa ang aktor bago mag-goodbye ang 2013.

Mother Lily at Marian hindi na makakahabol sa MMFF kahit nagkaayos pa

Naayos na kahapon ang tampuhan nina Marian Rivera at Mother Lily Monteverde. Wala nang dapat ipag-alala si Marian dahil okay na uli sila ni Mother.

’Yun nga lang, hindi na makakasali sa Metro Manila Film Festival si Mother dahil napili na ang walong official entries, maliban na lang kung may movie produ na magba-back out.

vuukle comment

ALAM

BIMBY

FILIPINA-ITALIAN

JAMES

JAMES YAP

KRIS AQUINO

PAPA BEN

TAYLOR

TAYLOR LAUTNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with