Maxene nakakasikip ng dibdib ang kabaliwan
Maganda ang obserbasyon ng isang tumututok talaga sa lahat ng mga drama series ng GMA 7. Simula pa raw sa Basang Sisiw after ng Eat Bulaga, naiiyak na siya sa kinahinatnan ng mga batang anak nina Froilan (Raymond Bagatsing), na na-comatose matapos mabangga ng sasakyan, at Olivia (Lani Mercado) na nawala nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nito. Ang sakit daw sa dibdib ang ginagawang pagpaparusa ng parang baliw na si Vicky (Maxene Magalona) sa mga bata.
Tiyak namang nakaka-relate ang mga TV viewer lalo na ang may mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa kanilang pamilya sa Maghihintay Pa Rin dahil ito ang concept ng serye na tampok sina Bianca King, Rafael Rosell, at Dion Ignacio. Kababalik nga lamang ng tatlo from Singapore para sa ilang eksenang kinunan doon.
Mataas din ang rating ng Kakambal ni Eliana na tungkol sa paghahanap ng anak nina Jean Garcia at Jomari Yllana na hindi nila alam ay kasama na nila ang anak na si Eliana, ginagampanan ng bagong bini-build up ng GMA, si Kim Rodriguez.
At 6:00 p.m., ang telefantasyang para sa mga batang viewer, ang Home Sweet Home na bida sina Raymart Santiago, Jake Vargas, Bea Binene, Jillian Ward.
After ng 24 Oras, ang labanan sa acting ng young stars na sina Barbie Forteza, Krystal Reyes, at Joyce Ching. Sila ang tatlong nagpapanggap na sina Anna KareNina. Sino kaya sa kanila ang tunay na apo nina Carmela (Sandy Andolong) at Xernan (Juan Rodrigo) Monteclaro?
Puwede naman makiiyak kay Marilyn (Louise delos Reyes) na api-apihan ng tunay niyang pamilya, ang mga Carbonel sa Mundo Mo’y Akin. Si Jerome (Alden Richards) sana ang akala niya ay tunay na nagmamahal sa kanya pero si Darlene (Lauren Young) pala ang mas mahal nito.
At pagdating ng My Husband’s Lover, ito na ang serye na gabi-gabing nagti-trending sa Twitter dahil sa mapangahas na tema na pagmamahal ng dalawang lalaki, sina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo). May Twitter party nga gabi-gabi ang mga sumusubaybay dito dahil may magaganda silang comment sa bawat mahuhusay na acting ng TomDen team. Maganda rin ang comments nila para kay Lally (Carla Abellana), ang wife ni Vincent na wala pang kaalam-alam sa tunay na relasyon ng asawa kay Eric, to the point na siya pa ang naglalapit sa dalawa. May mga nagta-try na siraan ang tinawag na pink-serye at sila ring fans ang lumalaban sa mga basher na ito.
- Latest