^

Pang Movies

Angel hindi na nagpapa-pressure kay Phil

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakapag-bonding ang mga artista ng Four Sisters and a Wedding ng Star Cinema. Maganda ang samahan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin at Shaina Magdayao.

Sabi nga ni Direk Cathy Garcia-Molina ay walang kumpetisyon sa apat na aktres. Bukod sa tsikahan, nagdadala ng carrot cake si Toni kung saan siya mismo ang nagbe-bake sa set.

Mabait at malambing naman si Angel kay Enchong Dee. Araw-araw ay kinukumusta nito ang aktor. Kapag pagod na sila, nagbibigay ng Bible stories si Toni kaya gumagaan ang kanilang pakiramdam. Parang tunay na kapatid naman ang turing nila kay Bea gayun din kay Shaina.

Mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide sa June 26.

Balik kay Angel, naikuwento ng aktres na nagdiwang na sila ng kanilang first anniversary ni Phil Younghusband noong May 27. Nagkataong may laro si Phil sa Singapore kaya hindi nito sukat akalain na sosorpresahin siya ng  girlfriend.

Wala namang bonggang selebrasyon basta’t ang mahalaga ay magkasama sila sa mahalagang araw na ’yun.

Handa na siyang pakasalan ng Fil-Brit boyfriend kaya lang hindi pa handa si Angel dahil gusto niyang maiayos muna ang kanyang pamilya bago siya magpakasal. Nasa hustong gulang na siya — 28 years old — pero inaalagaan pa nito ang kanyang career.

Ayaw nang ma-pressure ng aktres sa mga nagsasabing mag-asawa na siya. Ang mahalaga ay going strong ang relasyon nila ni Phil at gusto niyang sila na ang magkatuluyan sa kalaunan.

Tuloy na ang kasalan…

Finally ay nakasal na sina Peachy at Wacks na ginampanan nina Bobby Andrews at Angelu de Leon sa Teen Gen. Sa kabila ng maraming aberya, gaya ng power failure, nawawalang singsing at marriage vows, pati na ang naiwang bouquet at bulaklak ng bride, ay natuloy din ang kasal.

Nagkaroon din ng kilig moments sina Lucho (Juancho Triviño) at Lyca (Dianne Hernandez) gayun din sina Tiago (Jeric Gonzales) at Angge (Thea Tolentino) habang abala sa pag-aayos ng mga hitches sa kasal at reception.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEA ALONZO

BOBBY ANDREWS

DIANNE HERNANDEZ

DIREK CATHY GARCIA-MOLINA

ENCHONG DEE

FOUR SISTERS

JERIC GONZALES

JUANCHO TRIVI

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with