^

Pang Movies

Sexy actress natauhan sa nanggamit na model-actor, may totoong gf pala

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na kinompronta pala ng isang sexy actress and isang model turned actor dahil sa nalaman niyang may relasyon na ang lalaki sa isang young actress habang nililigawan siya?

Nothing materialized sa pagitan ng sexy actress at model-actor dahil ayon sa mga kaibigan ng babae ay bigla na lang hindi nagparamdam ang lalaki.

Iniyakan daw ni sexy actress ang ginawa sa kanya ni model turned actor. Nagpalit daw ito ng cell number na hindi sinasabi sa sexy actress. Nalaman na lang ng huli na matagal na pala kasing karelasyon nito ang isang young actress. In short, pinasakay lang si sexy actress para makilala at umingay si modelo na umaakting na ngayon.

Nang aksidenteng magkita ang dalawa sa isang launch ng isang clothing line ay umiwas pa raw si lalaki kay sexy actress. Sa galit ng babae ay kinompronta niya si model turned actor at sinabihan ng “two-timer” at “go to hell,” sabay alis.

Tinangka naman siyang habulin para mag-explain pero nakasakay na ng kanyang sasakyan si sexy actress at umalis na.

Ilang beses ding tinatawagan ni model turned actor si sexy actress pero hindi tinatanggap ang mga tawag niya.

Mula sa mga close kay sexy actress, kinalimutan na niya ang two-timer. ’Di na raw ito magpapagamit sa mga baguhan dahil ginagamit lang pala siya para makilala sila at magamit ang kanyang alindog.

Maxene feel i-reinvent ang sarili ala-Bella Flores!

Nalungkot si Maxene Magalona nang mabalitaan niyang sumakabilang-buhay si Ms. Bella Flores noong May 20. Hindi raw siya nakapunta sa burol ng primera contravida dahil nagsimula na siyang mag-taping that time para sa bagong afternoon series ng GMA 7 na Mga Basang Sisiw.

Pero ipinagdasal ni Maxene si Tita Bella dahil naging malapit siya rito nang magkasama sila sa series na Trudis Liit noong 2010. Gumanap doon ang maga­ling na beterena bilang si Granny Hershey.

“Noong una takot ako kay Tita Bella kasi nga sa mga kuwento ng ibang artista tungkol sa pagiging kontrabida niya.

“Pero when I got to talk with her ang bait-bait niya. Nakatrabaho rin kasi niya ang Lolo Pancho (Magalona) and Lola Tita (Duran) ko during their Sampaguita Picture days.

“Marami siyang naging kuwento about my lolo and lola na ikinatuwa ko naman talaga. Doon ko nakita na hindi lahat ng mga kontrabida ay tulad ng mga ginagampanan nila sa mga pelikula. Tita Bella is an exemption dahil she was such a joy to work with during Trudis Liit at marami akong natutunan na life lessons from her.

“Kaya pinagdasal ko talaga siya. Hindi ko man siya nasilip sa huling pagkakataon I prayed for her soul in heaven. May she rest in peace and maraming salamat Tita Bella for being such a wonderful person sa aming lahat,” emote pa ni Maxene.

Bilang tribute kay Tita Bella, susunod si Maxene sa yapak ng primera contravida sa pagtanggap niya ng unang kontrabida role sa Mga Basang Sisiw. Gusto na ni Maxene na sumubok ng ibang roles at tapos na siya sa pagiging api-apihan sa kanyang mga nagawa noon.

“I’m twenty years old na and I’ve been in this business for thirteen years na. It’s time for change — for reinvention.

“Timing na dumating ang role na Vicky Santa Maria, the main kontrabida in Mga Basang Sisiw. I get to create my own character.

“Pero ibang klaseng kontrabida siya. You will get to sympathize with her. May sarili siyang istorya kung bakit siya naging cruel sa istorya.

“Maninibago sila sa akin sa show na ito but I know that it will be all worth it,” sabi ng Kapuso actress.

Makakasama ni Maxene sa series sina Rep. Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Gardo Versoza, Caridad Sanchez, Mike Tan, Renz Valerio, Bianca Umali, Kimberly Faye, Hershey Garcia, at Miko Zarsadias.

Si Ricky Davao ang direktor ng Mga Basang Sisiw na magsisimula na sa June 3 kapalit ng Unforgettable.

vuukle comment

ACTRESS

MAXENE

MGA BASANG SISIW

PERO

SEXY

SIYA

TITA BELLA

TRUDIS LIIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with