^

Pang Movies

May cancer na nanay proud na proud kay Alfred

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nominated bilang best actor sa 10th Golden Screen Awards ng Enpress si QC Councilor Alfred Vargas sa mahusay niyang pagganap sa Supremo, pero nang mag-attend siya ng 10th Golden Screen Awards ng Enpress hindi siya nag-expect na mananalo dahil kasama niyang nominated ang beterano at iginagalang niyang mahusay na actor na si Eddie Garcia for Bwakaw.

Pero nanalo at nag-tie sila ni Eddie sa said cate­gory kaya na-elevate na rin si Alfred sa Dekada Awards: Gallery of Distinction dahil nakakuha na siya ng dalawang awards sa 10 taon ng award-giving body. 

Tuwang-tuwa si Alfred kaya ang una niyang binalitaan ay ang number one fan niya, ang mommy niyang patuloy na nakikipaglaban sa cancer, kahit gabi na siya nakauwi ng bahay. Ang ina raw kasi ang nagsabi, nang mapanood nito ang Supremo na he deserves to win a best actor award. Unang award ni Alfred ay Breakthrough performance sa first movie niyang Bridal Shower in 2003 at ang best actor sa Supremo.

Ang gulat niya nang paggi­sing niya kinau­magahan, napakaraming pagbati ang natanggap niya. Tinext pala ng mommy niya lahat ng kamag-anak nila from Bulacan to Surigao na nanalo siya ng dalawang awards.

Nangunguna siya sa mga kalaban niya, kaya nagpasalamat na si Alfred sa press na patuloy na sumusuporta sa kandidatura niya bilang Congressman sa 5th District ng Quezon City gayundin ang mga kasamahan niyang artista na tumutulong sa kanyang kampanya. Magkasabay na tutulong kay Alfred sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa May 7. 

Matagal na nagkasama sina Alfred at Dingdong sa Encantadia at  siya ang nakatambal ni Marian sa first drama series nito sa GMA-APT Entertainment, ang Muli.

Asawa ni Bam kamukha ni Dawn

Nagsawa na yata ang entertainment press sa pakikinig sa mga platforms ng mga kandidato kaya nang bigyan ng presscon ni Mother Lily Monteverde ang tinawag niyang mga bagong Regal babies niya, sina Risa Hontiveros at Bam Aquino, parehong kandidatong Senador sa Team PNoy ni President Noynoy Aquino, lighter side, more on the entertainment side ang tinanong sa kanila. 

Kumakanta at kilalang aktibista si Risa kaya nang hinilingan siyang kumanta, ang kinanta niya ay ang theme song ng Sister Stela L, isa sa mga movies na produced ni Mother Lily. Nanonood din siya ng movies at mga favorite actors niya sina Christopher de Leon, Cesar Montano, at Jericho Rosales. 

Personal na buhay nina Bam at wife nitong si Timmy ang natanong. Seven months pa lamang silang kasal pero ang honeymoon nila ay ginugugol nila sa pangangampanya at nang gabi daw lamang iyon sila nagkasama, sa isang press confe­rence pa. Mahilig din si Bam sa showbiz at bata pa siya fan na siya ng Tito, Vic, & Joey hanggang sa ngayon. Isa rin siyang Vilmanian at napanood niya ang mga movies ni now Batangas Governor Vilma Santos. Favorite actress niya si Dawn Zulueta na kamukha raw ng wife niya.

 

 

vuukle comment

BAM AQUINO

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BRIDAL SHOWER

CESAR MONTANO

DAWN ZULUETA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with