^

Pang Movies

Misis ni Alfred magaling na painter at cook pero mas piniling maglinis ng bahay at mag-alaga ng mga anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-guest sa Kris TV noong Lunes si Yasmine Espiritu-Vargas, ang better-half ni Alfred Vargas.

Tungkol sa mga asawa ng pulitiko ang topic at dahil nag-advance taping si Kris Aquino, hindi ko alam kung kailan ang airing ng guesting ni Yasmine.

May karapatan si Yasmine na mapanood sa TV dahil bukod sa maganda, matalino siya. Nag-graduate si Yasmine sa isang school sa Italy bago sila nagpakasal ni Alfred. Magaling na painter at cook ang asawa ni Alfred at, take note, wala silang kasambahay.

Si Yasmine ang personal na nag-aalaga sa dalawang anak nila ni Alfred. Siya rin ang naglilinis ng bahay, naglalaba, at nagluluto. Napakasuwerte ni Alfred dahil wife material ang kanyang mabait at very responsible na misis.

Nagkita at nag-usap kami kahapon ni Alfred tungkol sa show na iniaalok sa kanya ng isang major TV network.

Ayaw muna ni Alfred na mag-commit dahil pagkatapos ng eleksiyon gusto muna niya na magpahinga at higit sa lahat, ang magpapayat.

Aminado si Alfred na malaki ang nadagdag sa kanyang timbang. Hindi na nga siya komportable sa kanyang kasalukuyang size pero nakakundisyon na ang isip niya na magbawas ng timbang simula sa May 14.

Basbas ni Mother Lily sa mga pulitiko may kasamang suwerte

Ang sipag ni Mother Lily Monteverde na sumuporta sa mga senate candidate dahil nalaman ko kahapon na magpapatawag din siya ng presscon para kina Sen. Sonny Trillanes, Congresswoman Cynthia Villar, at marami pang iba.

Ito na yata ang election year na maraming kandidato na sinusuportahan si Mother Lily. May presscon pa siya para kay Sen. Chiz Escudero na mangyayari ngayon. Nagkaroon tuloy ng idea ang ibang mga senatoriable na lapitan at hingin ang basbas ni Mother.

Naniniwala raw sila na basta sinuportahan ni Mother, sure win sa Senado.

vuukle comment

ALFRED

ALFRED VARGAS

CHIZ ESCUDERO

CONGRESSWOMAN CYNTHIA VILLAR

KRIS AQUINO

MOTHER LILY

MOTHER LILY MONTEVERDE

SI YASMINE

SONNY TRILLANES

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with