^

Pang Movies

Coco, bagong tina-target ni Andi

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumosyo si Andi Eigenmann sa mga producer ng pinagbibidahan niyang indie movie na Coming Soon. Isang katuparan ito ng pangarap niyang makilala hindi lang ang aktres kundi makapag-contribute na rin sa hangarin niyang makatulong sa industriya.

“Hindi na kailangan akong i-convince upang maging part ng project na ito. Lahat ng mga kasama ko, matatalik kong kaibigan. Pinagkakatiwalaan ko silang lahat. Kaya siyempre madali akong naging part of it.

“When they offered me to be part of it, this project didn’t really do much thinking for me kasi alam ko po ang takbo ng mga utak nila. Alam ko kung ano ang kaya nilang gawin. Kaya naniniwala ako.

“Dati ko na pong nasabi na gusto kong maging parte ng something na that would make a mark. I want to be in showbiz not to be a star but I am in showbiz to give what I can share to people. What to offer them. Offer them entertainment, offer them pleasure.

“Especially it’s a group effort. Lahat kami may input sa project,” pahayag ni Andi after ng presscon.

Kung sakaling magpo-produce uli siya ng movie, si Coco Martin ang gusto niyang makapareha.

“Gusto ko siya as a person. Gusto ko siya as a friend. Gusto ko siya as an actor most of all,” sambit ng aktres.

Wala bang na-develop sa kanila noong may ginagawa silang project?

“Wala po! Hahaha!” tanggi niya. “Batang kapatid po ako ni Coco.”

Teka, kumusta na sila ng mommy niya?

“Opo bati na kami ni mommy ko. I think normal lang naman sa mag-ina ‘yung nag-aaway,” pag-amin niya.

Pagbalik niya ng London, England at saka sila nagbati ng mommy niya. Teka, doon din si Jake Ejercito na nag-aaral, huh!

“Bakasyon lang po. Wala akong pinuntahan doon! Hahaha! Si Harry Potter ang pinuntahan ko. Jake’s here campaigning for his father and niece, Janella Ejercito,” balita niya.

Wala na silang communication ni Jake?

“Magkaibigan pa po kami. Minsan tinutulungan ko siya sa pamangkin niya,” rason ni Andi.

Eh sa father niya hindi siya tumutulong?

“I’d gladly help as long as naniniwala ako na karapat-dapat umupo sa puwesto ang tumatakbo. I would help. Kung hindi naman kailangan ang tulong ko, ang kapal ko naman na pumunta roon ’di ba? Hahaha!” katuwiran ni Andi.

 

ANDI

ANDI EIGENMANN

COCO MARTIN

COMING SOON

HAHAHA

JAKE EJERCITO

JANELLA EJERCITO

NIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with