Daniel busog sa pangaral ng nanay, ’di puwedeng magkamali kay Kathryn
Wow, tingnan nga natin kung mapapanindigan ni Daniel Padilla ang pronouncement niya na hindi siya magiging babaero tulad ng reputasyong ikinabit, lalo na sa kanyang Uncle Robin and, of course, his Daddy Rommel Padilla.
Common knowledge, ’di si Karla Estrada, mother ni Daniel, ang nag-iisang babaeng may anak si Rommel.
‘‘But I never took that against either my mom or my dad,’’ sabi ni Daniel. ‘‘Nagpapasalamat ako na sila ang aking naging mga magulang. Lalo na ang mom ko, na idol na idol ko.’’
He listens sa lahat ng advice nito sa kanya. Lalo na ang tungkol sa pakikipagrelasÂyon sa babae. At 18, Karla thinks napakabata pa ni Daniel na makipag-commit sa kahit sinumang babae seriously.
He’d rather that Daniel concentrates on his showbiz career, na alam nating looks very promising.
So, how would Daniel rate his current relationship with Kathryn Bernardo, his leading lady in Star Cinema’s Must Be… Love na ire-release in theaters nationwide starting on March 13?
‘‘She’s the closest to me, among my friends na babae. Somehow may idea siya na may feelings ako sa kanya na more than friends.
‘‘But we both agree na ’di pa ito ang time para maging seryoso kami sa isa’t isa. Like me, busog din sa pangaral ng kanyang mommy si Kathryn.
‘‘Kaya career muna for both of us, bago pag-ibig,’’ susog pa ni Daniel.
Tungkol naman kay Kathryn, she said that what thrills her about Must Be… Love is lahat ng eksena sa pelikula ay alam niyang ‘‘pinagdadaanan’’ ng kabataang katulad niya.
Kathryn specified na after all nga naman daw, sinong babae na kaedad niya ang ’di nakaranas ng kilig sa isang kapÂwa niya kabataang lalaki, mapa-friend o classmate man niya, and vice versa?
Sa pelikula, tomboyish siya whose father, played by John Estrada, is neither too strict nor maluwag with her. But, like all fathers, ayaw niyang ma-in love ang anak. Lalo’t nga at nagdadalaga pa lamang ito.
Best friend niya si Daniel. Pero ’di niya naramdamang may pagpapahalaga siya sa binatilyo until napansin niyang nagka-develop ito ng crush sa equally dalagitang ang gumaganap naman ay ang baguhang si Liza Saberano, 15 years old.
Kris napakinabangan ang kadaldalan
We’d like to congratulate Kris Aquino for winning the trophy for talk variety show host in the recently concluded UST Students’ Choice Awards held at the Plaza Mayor of the University of Santo Tomas.
Kris was cited for her articulateness, sensitivity, obviously to the feelings of her guesting, but, most of all, sa kanyang ability to listen, which, we have to agree, is most common among most TV hosts.
- Latest