^

Pang Movies

Blockbuster films mapapanood sa TV5 Sine Ko 5ingko

Pang-masa

MANILA, Philippines - I-welcome na ang summer kasama ang buong pamilya habang nanonood ng mga patok na pelikulang handog ng TV5 Sine Ko 5ingko.

Araw-araw, paniguradong may mapapanood na nakaka-aliw na Hollywood blockbusters na libreng-libre! Sa pagbubukas ng Sine Ko 5ingko sa darating na weekend, tumutok lang sa double monster feature na King Kong pagpatak ng 2:30 p.m. sa Sabado at Godzilla pagdating ng 8:30 p.m. sa Linggo.

Naglalakihang pelikula ang hatid ng sa Sine Ko 5ingko simula ngayong Marso. Tuwing weekdays, makakapanood ng mga libreng Hollywood hits tuwing 3:30 p.m. at 8:00 p.m. Abangan sa Sine Ko 5ingko ang The Grown Ups and You Don’t Mess with the Zohan, na unang mapapanood sa TV5.

Ibang level naman ng action ang naghihintay sa mga manonood ng Taken at Simon Sez. Ilan din sa mga kinaaabangang pelikula ngayong buwan ang Sherlock Holmes, Cirque du Freak: The Vampire’s Assistant, at Journey to the Center of the Earth.

Mas marami na ring dahilan para tumambay sa bahay tuwing weekend dahil sa Sine Ko 5ingko.

Tuwing Sabado, dalawang pelikula ang mapapanood nila pagpatak ng 2:30 at 4:30 p.m.

Ilan lang sa mga pelikula na ito ang Charlie’s Angels, Constantine, at Ultraviolet.

Pagdating naman ng Linggo, back-to-back-to-back movies ang maaaring mapanood pagpatak ng 1:00 at 2:45 p.m. at 8:00 p.m. Ang mga family favorite at animated hits na Madagascar, Monster House, Hancock, at Hellboy: The Golden Army ang naghihintay sa viewers — chikiting man o hindi. First time ring mapapanood on Philippine free TV ang cartoon blockbuster na Cloudy with a Chance of Meatballs sa TV5 sa Marso 31 (Easter Sunday).

Hindi riyan nagtatapos ang handog na hits ng Kapatid Network.

Marami pang malalaking movie titles ang naghihintay sa mga loyal viewers simula ngayong summer. Tutok lang sa Sine Ko 5ingko ng TV5 para makanood ng certified at libreng Hollywood hits!

 

vuukle comment

CENTER OF THE EARTH

CHANCE OF MEATBALLS

EASTER SUNDAY

GOLDEN ARMY

GROWN UPS AND YOU DON

ILAN

KAPATID NETWORK

KING KONG

LINGGO

SINE KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with