^

Pang Movies

Dalawang singers nagsusumpaan sa galit sa isa’t isa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mortal sin pala na pagsamahin sa isang show ang dalawang feuding singers. Kung walang problema sa Singer A, no-no naman siya na makasama kay Singer B sanhi ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila ngayon.

Pareho kasing may version ng sikat na kanta ang dalawang singers. Very vocal nga si Singer A sa pagsasabing siya ang unang kumanta ng hit song. Pero ayon sa mga nakarinig ng bersiyon ni Singer B, mas maganda ’yung pagkanta niya.

’Yun nga lang, may back up na malaking recording company si Singer A. Kaya naman nang kunin ng kilalang singer ang kanta, hiniling daw niya na sa masa at magaling ding singer ipakanta ito upang tapatan si Singer B, huh!

Kaya mabibigo ang sinumang magtangka na pagsamahin sina Singer A at B sa anumang out of town shows dahil hindi magbibigay ang namamahala sa career ni Singer B!

LJ biglang nagpakita kay Alfred

Tinukso si Konsehal Alfred Vargas ng writers na kausap niya sa isang burger house sa Quezon City nung Martes nang biglang sumulpot ang ex-girlfriend niyang si LJ Reyes. Palibhasa, kapwa tali na ang dalawa, hindi naman sila napikon nang pagsamahin sila sa picture.

Napunta nga lang si LJ kay Paulo Avelino habang si Alfred naman ay maligaya sa asawang si Yasmien na isang Half-Filipina, Half-Italian kung saan may dalawa silang anak na babae. Five years na sila ng asawa.

Nag-mature na nga si Alfred ngayon. Seryoso na kasi siya sa political career niya na matapos ang isang term bilang konsehal, congressman naman ang puntirya sa QC dahil nahati na ang distritong pinaglilingkuran.

Kahit may knowledge na siya sa paggawa ng ordinances, patuloy pa rin siyang nag-aaral sa UP pagdating sa public administration at legislation works. Patapos na siya ng kanyang Masteral Degree pero nag-leave muna siya dahil sa darating na eleksiyon.

“Bago kasi ’yung district kaya ako ang pinagkatiwalaan ni Mayor (Herbert) at Speaker (Sonny Belmonte,” pahayag ni Kon. Alfred.

Sa darating niyang kampanya, gusto niyang pagsamahin ang female actresses nang ginawa niyang fantaserye na Encantadia sa GMA 7. Nagpasabi na si Iza Calzado na ikakampanya siya nang walang bayad pati na rin si Diana Zubiri.

Palibhasa natural na mabait na tao, siguradong malaki ang tsansa ni Alfred na maluklok bilang congressman sa Mayo.

vuukle comment

DIANA ZUBIRI

IZA CALZADO

KAYA

KONSEHAL ALFRED VARGAS

MASTERAL DEGREE

PALIBHASA

PAULO AVELINO

SINGER

SINGER A

SINGER B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with