^

Pang Movies

‘Hindi natin masisisi si Cesar, natutukso’ — Mayor Lim

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Updated din si Manila Mayor Alfredo Lim sa nangyayaring gulo sa asawa na si Cesar Montano na si Sunshine Cruz. Isa kasi si Mayor Lim sa mga naging ninong sa kasal ng mag-asawa.

Natawa na lang si Mayor nang tanungin kung binibigyan niya ba ng payo ang inaanak sa sitwasyon ngayon nito sa asawa.

“Meron akong nababasa. Eh siyempre ang asawa, asawa. Kung minsan, may misunderstanding. Eh kaya naman ni Cesar na gamutin ‘yon.

 â€œSiyempre, ako naman, kay Sunshine, inaanak ko eh. Masisisi ba natin si Cesar eh magandang lalaki? Dahil dito, siyempre natutukso.

“Eh pagkatapos naman nun, lumilipas naman ’yon eh. Babalik at babalik din. ’Ika nga, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang pasok. Ibig sabihin, kasal naman sila ni Sunshine, may mga anak sila, they should live, ’ika nga, lo­vingly and happily ever after. Hindi naman maaalis ang mga tampuhan eh,” paliwanag ni Mayor Lim.

Humihingi ba ng payo si Cesar sa kanya?

“Hindi. Pero nung pinag-uusapan kung sino ang leading lady, sinadyest ko kay Cesar, ‘Bakit hindi si Sunshine ang kunin mo?’ Pero marami yatang ginagawa. Sinabi ko si Sunshine na lang ang kunin. Inaanak ko sila sa kasal eh,” sagot ni Mayor Lim.

Kaya kung kinuha raw si Sunshine siguro walang gulo ngayon sa pagitan ng mag-asawa, ang deklara pa ng alkalde habang tawa lang nang tawa si Buboy.

 Pagbabalik nina Jose at Wally sa Araneta kumpleto na

Kumpleto na ang lineup ng guests sa Jose and Wally Concert: A Party For Juan and All na gaganapin sa Smart-Araneta Coliseum sa March 15.

Pangungunahan ni Vic Sotto ang mga magbibigay ng kasiyahan sa mga manonood bukod sa dalawang henyo ng komedya. Ilan pa sa pumayag maging guests ay sina Ogie Alcasid, Jericho Rosales, Ding­dong Dantes, Pokwang, Bamboo, Ryzza Mae Dizon, at Gary Valenciano.

Mula sa direksiyon ni Philip Lazaro at musika ni Jimmy Antiporda ang bagong pakulo ngayong Year of the Snake nina Jose Manalo at Wally Bayola. Mabibili ang ticket sa SM Ticketnet Online.

vuukle comment

A PARTY FOR JUAN AND ALL

CESAR MONTANO

GARY VALENCIANO

JERICHO ROSALES

JIMMY ANTIPORDA

JOSE AND WALLY CONCERT

JOSE MANALO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with