^

Pang Movies

Paolo Bediones uusisain ang mga pamilyang naghahari sa Cebu

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang tinaguriang Queen City of the South, kilala ang Cebu bilang sentro ng boto tuwing eleksiyon. Sa darating na halalan, inaasahang magiging alas ang probinsiya ng mga pulitiko para makaupo sa puwesto. Ngayong Linggo sa dokyu-seryeng Balwarte, kikilalanin ni Paolo Bediones ang mga pamilyang naghahari rito.

Hindi pa man nagsisimula ang panahon ng eleksiyon, uminit na ang bakbakan sa probinsiya makaraang suspendihin ng Ombudsman ang gobernador na si Gwendolyn Garcia at pinaupo sa puwesto ang bise gobernardorang si Agnes Magpale. Pero hindi naging madali ang palit-balwarte, dahil tila niyanig ang mga pader ng lalawigan sa mahigit na 40 araw ng tinaguriang “capitol standoff” para makuha ang trono sa kapitolyo.

Sinu-sino ang mga angkan na nag-aagawan para sa mga posisyon sa Cebu at bakit nga ba mahalaga na makuha ng mga senatoriable ang puso ng mga Cebuano?

Uusisain ni Paolo Bediones ang kasaysayan ng pulitika ng isa sa pinaka-makapangyarihang probinsiya sa bansa ngayong Linggo, alas-onse ng gabi sa TV5 at Aksyon TV.

AGNES MAGPALE

AKSYON

BALWARTE

BILANG

CEBU

GWENDOLYN GARCIA

NGAYONG LINGGO

PAOLO BEDIONES

QUEEN CITY OF THE SOUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with