^

Pang Movies

BB nakakaramdam ng pagod sa tatlong lalaki!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Todo suporta ang Viva Entertainment kay BB Gandanghari sa first time niyang pagpo-produce ng isang stage play, ang Halik ng Tarantula, na sinulat ng multi-awarded playwright, the late Rene Villanueva. Si BB din ang pumili sa award-winning director na si Soxy Topacio matapos nitong mabasa ang script na based sa movie na Kiss of the Spider-woman.

Ang play ay tungkol sa delicate and controversial relationship ng dalawang male prisoners, si Valentin, isang idealist, demonstrator, and political prisoner at si Molina, isang sexual predator, isang gay.

Sa presscon, inamin ni BB na walang problema sa kanya kung paulit-ulit ang rehearsals niya kaya lamang emotionally draining at nakakaramdam siya ng pagod pagkatapos ng five to six hours na rehear­sals. Paulit-ulit kasi mag-isa lamang siya pero tatlo ang gaganap na Valentin, ang mga supermodel na sina Jet Alcantara, Xyruz Cruz, at Jovic Monsod. 

Tinanong namin si Direk Soxy, kung tatlo ang Valentin, bakit hindi siya kumuha ng understudy ni BB? Inamin niyang baka raw ma-shortchanged ang mga tao at walang manood kapag hindi si BB ang gaganap na Molina. 

Very sensitive ang mga eksena ng Tarantula at hanggang ngayon ay nasa process pa sila ng choreography ng love scenes – lovemaking ng dalawang taong nasa loob ng kulungan. No problem daw naman sila dahil walang censorship ang mga stage play.

Sa March 6 na ang press preview nila at regular presentation sa March 7, 8, and 9 sa Teatrino in Promenade Greenhills, San Juan City na tatagal ng may two hours and 20 mins.

Magkakaroon sila ng 10 shows at balak nilang dalhin ito sa iba’t ibang lugar ng bansa. Madali raw lamang ilipat ang play dahil dalawa lamang ang characters. Pero sa entire presentation, kasama pa rin sina Xyruz, Jovic, at Jet, playing small roles kung hindi sila ang magpi-perform. 

Sarah inaabangang ipareha kina Rayver at Gerald sa kanyang drama show

Kababalik lamang pala ni Sarah Geronimo mula sa pagsyu-shooting sa New York ng honeymoon scene nila ni John Lloyd Cruz sa movie nilang It Takes a Man and a Woman na showing na sa March 30, Black Saturday. 

At may mga nag-aabang na pala sa pagsisimula ng taping ni Sarah ng kanyang drama anthology na ipi-pair siya sa iba’t ibang lead actors ng ABS-CBN sa direksiyon ni Wenn Deramas. 

Gusto nilang malaman kung ipi-pair siya sa mga naging boyfriend (?) niya, sina Rayver Cruz at Gerald Anderson.

vuukle comment

BLACK SATURDAY

DIREK SOXY

GERALD ANDERSON

IT TAKES

JET ALCANTARA

JOHN LLOYD CRUZ

JOVIC MONSOD

KISS OF THE SPIDER

VALENTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with