^

Pang Movies

Max Collins walang makitang pagkakakilanlan sa Amerikanong ama

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal na palang hinahanap ng Kapuso leading lady na si Max Collins ang kanyang American father na nagngangalang Christian Collins.

Noong four years old kasi si Max ay naghiwalay ang kanyang pa­rents. Kaya wala siyang masyadong ma­ikukuwentong memories tungkol sa kanyang tunay na ama.

 â€œI had a stepfather naman pero hindi rin ako naging close sa kanya. It has always been my mom, ’yung nakakasama ko at napagsasabihan ko ng mga bagay-bagay.

“Kaya when it comes to father-daughter thing wala akong masyadong maipakitang emotion because I never had that kind of relationship when I was growing up,” paglalahad ni Max.

Isang dahilan nga iyon kung bakit minsan ay nahihirapan siya sa kanyang mga eksena with Christopher de Leon na gumaganap bilang ama niya sa primetime series na Pahiram ng Sandali.

“If not for Direk Maryo delos Reyes mahihirapan ako maka-relate sa father-daughter relationship. Direk Maryo motivates me well kaya nagagawa ng maayos ang eksena namin ni Tito Boyet,” sabi ng aktres..

Para magkaroon ng closure si Max sa kanyang American father ay hinanap niya pero nahirapan siyang i-locate dahil very common ang pangalan ng kanyang daddy.

“So to even get his Social Security Number ang hirap because ang daming may name na Christian Collins in every State sa US. So it’s like searching for a needle in a haystack,” dismayadong kuwento ni Max.

Kahit nga litrato ng kanyang ama ay wala pala siya.

 

CHRISTIAN COLLINS

DIREK MARYO

ISANG

KAHIT

KANYANG

KAYA

MAX COLLINS

SOCIAL SECURITY NUMBER

TITO BOYET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with